#filipino

105 posts
  • ravenhuntress 2d

    Matamis

    Sabi mo wag akong magbigay ng matamis
    Dahil magdadiet ka.
    Dahil naniniwala ka sa mga sinasabi ng iba
    Na mataba ka.
    Sabi mo wag akong magbigay ng matamis
    Di dahil ika'y may diabetes
    Kundi gusto mo lang matantsa
    Kung gaano lolobo ang pisngi at tiyan mo
    Sa tuwing nasosobrahan ka
    Sa binibigay kong tamis.

    Kaya pamula noon, nilayuan kita.
    Hindi ko kasi maunawaan kung bakit
    Kung ano yung pinaparating mo noong
    Sinabi mong ayaw mo na ng matamis.
    Ano bang ayaw mo?
    Ang matamis na kendi
    O
    Ang matamis nating pagmamahalan?

    Ang tamis ng bawat salita
    O
    Ang tamis ng bawat mong paghinga
    Na kung pagbibigyan ng panaho'y makita ko na
    Baka sakaling maalala pa ang nakaraan
    Noong inambunan kita ng tamis
    Pero nanatili ka lang sa init ng pagmamahalan
    At nang mawala ang init na napaltan ng tamis
    Ay biglang gusto mong kumawala.
    Ano ba talaga?
    Dahil ngayo'y nangungulila ako sa Matamis,
    Mata mo ang aking namimiss .

    --ravenhuntress(D.C)

  • ravenhuntress 2d

    182\n\nPara kay B.\n\n#mirakee #luha #Filipino #Pilipino

    Read More

    Luha

    Tumigil ka muna
    Sa paglalaklak
    At patuloy na pag-inom
    Ng luhang piniga
    At pinipiga pa
    Sa matang pagod na kakaiyak
    Dahil kahit ang ulap ay nagpapahinga rin
    Pagkatapos ng kada bagyong dumadaan
    Upang mangolekta muli ng mga alaala
    At mga memorya
    Na sa ati'y magpapaluhang muli.
    Ngunit hindi kita hahayaang uminom uli
    Ng sandamakmak na luha
    Na animo'y alak sa tuwina.
    Hindi kita hahayaang uminom ng luha
    Ng mag-isa sa tapayan.
    Sasamahan kita,
    Kikilalanin pa,
    Titipahin ang bawat mong letra
    Upang makabuo ng musika
    At baka malaman ko ng tuluyan
    Kung paano naiinom ang alak ng luha
    Gamit ang matang di matigil
    Sa kakapiga ng memorya
    At mga kamay na di matigil
    Sa kakakiskis ng mga alaaalang
    Hindi na dapat binabalkan pa.

    --ravenhuntress(D.C)

  • ravenhuntress 1w

    Istilo

    T'wing nakakapunta ako sa isang handaan,
    Inaalam ko agad kung ano ang mga pagkain,
    Kung panong istilo ang pagbibigay
    Hanggang sa kung anong mga putahe
    Ang ipapapamigay nila sa katulad kong
    Bisita o bwisita.
    Oo, inaalam ko 'yang lahat
    Dahil bukod sa isa akong masugid na tagahanga ng pagkain
    At, siguro, oo, dahil matakaw din ako,
    Ay naniniwala ako na sa ganitong paraan
    Makikita mo at mararamdaman mo kung
    Anong gustong iparating ng may okasyon,
    Kung anong mas gusto nya pagdating sa pamimigay ng pagkain
    Miski bisita ka o bwisita
    Dahil naniniwala akong ang kontrol ng lahat
    Ay wala sa mismong programa ng okasyon
    Kundi sa kung paano nila ipinapamahagi ang pagkain.

    Kung ang pagkain ay ipinapamahagi sa isang maayos na paraan,
    Na may namimigay ng parteng nararapat lang sa'yo
    Ay gusto ng nag-ayos ng okasyon at ng may okasyon na maging maayos ang takbo ng karera sa pagkain.
    Lahat pantay-pantay at walang lamangan,
    Walang lalabis at walang kinulang,
    Saktong lahat ay makakakain,
    Pati kapitbahay maaaring pakainin
    Kung sumobra ang inihandang pagkain
    Dahil nakikita ang kahusayan at pagiging matatag
    Di lamang sa mismong pagkain
    Kundi sa mismong nagbibigay ng pagkain
    Dahil kontrolin man ng iba ang kanin,
    Ay hawak pa rin nila ang magpapaikot sa ating kalamnan,
    Ang mga ulam at minatamis na may Mahihiwaga't di mapapantayan na lasa.

    Kung ang putahe nama'y walang bantay,
    Inaasahan na ito ang "buffet style"
    Kung saan malaya ang bawat isang makakuha
    Ng kanya-kanyang parte ng pagkain,
    Sumobra man ay di na maaaring ibalik,
    Kinulang man ay siya mong asahan ang pagbabalik,
    Ikaw ang may hawak ng kapalaran ng plato mo,
    Mas malaya,
    Mas masaya,
    Pero maraming nasasayang
    Maaaring marami din ang hindi makakakain
    Kung kinulang sa niluto ang kusinerong
    Kanina pa nag-aatubiling makita ang programa sa labas
    O kaya nama'y magpahinga man lang kahit saglit
    Pagkatapos ng kotang lutuin sa pagkain.

    Maaaring kada plato ang bilangan.
    Nakaplato ang ulam sa bawat lamesa
    Na animo'y "ang amin ay amin at ang iyo'y iyo"
    Walang pakialam dahil kung anong meron ka
    Ay ganoon din ang akin.
    Walang lamangan,
    Iisa ang nalalasahang lasa,
    Iisang luto,
    Kaya wag ka ng makialam pa.
    Walang pakialaman,
    Ang sayo'y sa iyo lamang.

    Iilan lang ang mga ito sa mga istilo sa handaan na napuntahan ko.
    Kadalasan lang ay ganyan.
    Madalas.
    Parang ang komunidad ko.
    Madalas gusto ng kontrol.
    Karamiha'y gustong makalamang sa kapwa,
    Kadalasan nama'y hindi nakakakuha ng sapat
    Dahil lagi silang nahuhuli
    At dahil palagi ng may nauuna.
    Masaklap isipin na ang mismong kalayaang ibinigay ng ating mga ninuno
    Ay hindi na nagagamit sa magandang adhikain,
    Mas mabuti raw siguro na "ang akin ay akin at ang iyo ay iyo"
    Walang pakialaman.
    Walang paninindigan.
    Pero nasan ang pagkapilipino kung ito'y uugaliin?
    Pananatiliiin sa puso?
    Kumakatok sa utak ,
    Pinapaalis dahil walang may pakialam
    O walang pakialamanan?

    Tinatanong mo kung anong koneksyon ng dalawang iyon?
    Ng pagkain at ng huli?
    Itanong mo sa sarili mo
    Ang kaibahan ng may nagkokontrol
    At ikaw ang kumukontrol.

    Ano nga ba ang kumukontrol sa'yo?
    Ang paligid mo para "sapat lamang" ang makuha mo
    O
    Ang mga ginusto mong mangyari sa buhay mo?
    Bakit ba mahalaga ang kalayaan
    Kung di naman magagamit sa kahusayan?
    Bakit ka kailangan makontrol
    At
    Bakit mo kailangang mangontrol?
    Bakit wala kang pakialam sa karamihan?

    Ang istilo ng pagkain sa handaan
    Ay nasasalamin sa kasalukuyang lipunan.
    Subukan mong tignan
    Higit sa nakikita ng karaniwan.
    Baka sakaling makita mo lahat
    Ng sinasabi sa mga naisulat
    Sa taas.

    --ravenhuntress(D.C)

  • ravenhuntress 4w

    Lahat

    ...At lahat,
    Lahat ng nasa pasadong grado
    Ay tinuturing na sagrado.
    At lahat ng putol at blangko
    Ay tinuturing na Di-maginoo't
    Pinatatapon sa kawalan
    Ng atensyon
    At kulang at kinukulang sa
    Nutrisyon at enerhiya ng
    Katamtamang At di-hihigit na karunungan
    Dahil kinulang "raw" sa talino.
    Nararapat raw na maging
    Katulad ng isang lobong
    Mataas ang lipad,
    Ngunit walang lamang

    Emosyon
    At
    Talino

    Dahil nararapat kang ibato
    At ipambato sa kanyon
    Dahil ito ang reyalidad ng mundo;
    Kung saan ang panukat ay talino
    At korona mo ang iyong grado.

    --ravenhuntress(D C)

  • ailuvmie 4w

    Tayong Dalawa

    Hindi ko inakalang magkaka-daupang palad
    Bakit nga ba hindi noon pa nagkasalamuha?

    Mula sa mga sulyap nauwi sa mahahabang pag-uusap

    Mula sa mga gunita nauwi sa katotohanan;
    Mga katotohanang susulitin at uulit ulitin.

    Hirap na naranas ay hindi na alintana
    Sapagkat nandyan ka lagi para umagapay

    Mula noon sa umpisa, sana nga'y wala nang katapusan ang kwento nating dalawa.

    ©ailuvmie

  • ailuvmie 4w

    Classmate (Part II)

    Sinabayan mo ako hanggang sa aking kwarto
    Iniisip ko, "Bakit kailangang samahan pa nya ako?"

    Buong maghapon akong nagtaka,
    Buong maghapon akong nangarap.

    Sana naman may napapala ako sa pagpasok ko ng eskwela, pagkat sa tuwing naiisip ka hindi magmayaw ang tuwa.

    Natapos ang araw nang maligayang maligaya. Saan ko nga ba ilalagay ang mga bagong alaala?

    Sa pagtulog ko'y tiyak na magiging mahimbing. Sana kung maaari ay may isa pang hiling.

    Bukas ng umaga, makasabay kang muli sa pagpasok sa eskwela.

    ©ailuvmie

  • ailuvmie 4w

    Classmate (Part 1)

    Pagpatak na noon ng liwanag nang magkasabay na naman tayo sa jeep. Papasok ako ng eskwelahan, at ganun din ikaw.

    Kilala kita ngunit hindi ko alam kung kahit katiting may alam ka tungkol sakin. Iniisip ko na sana tumagal ang andar ng jeep para tumagal din ang pagsilay ng mga mata ko sayo.

    Sa isang sandali, napansin mo na may dalawang matang nakatitig sayo. Lumingon ka, ngumiti. Hindi ko mawari ang pagdaloy ng emosyon sa aking pagkakatigil. Kailangan ko nang bumaba ng jeep.

    Sumunod ka gaya ng lagi mong ginagawa pag papasok ka, ngunit ngayon alam kong may sinasabayan ka. Sabi mo, "Uy classmate kita sa Stat 1, diba?" At doon na nag umpisa ang buong maghapong pakikipag-usap sa taong dating pinapangarap kong mapansin ako...

    ©ailuvmie

  • paperhandshakes 4w

    Ctrl Z

    Iniisip na sadyang bituin lang
    Ang makinang sa lahat
    Isang bungkos ng pagasang
    Hindi mahagilap
    Isang suntok sa buwan
    Ang magkaron ng isang tanong
    Na maisambit sayo

    Ngunit alam ko na ang sagot
    Bago ko pa man mahita ang
    Mga salitang dapat bitawan
    Iba ang ngiti mo kapag kasama mo sya
    Hindi maipipinta
    Kapag kasama kita

    Siguro nga
    Dapat hindi ako nagbakasakali
    Hindi ko na sana sinubukang
    Buuin ang kapiranggot na mithiin

    Dahil alam ko na ang sagot
    Bago ko pa mabuo ang damdaming
    Nasasaktan
    Dahil ginto ang mga ngiti mo
    Kapag kasama mo sya
    Na hindi mo maipinta
    Kapag kasama kita



    ©paperhandshakes

  • ailuvmie 4w

    Salamat

    Sa pag-alaala
    Sa pagtya-tyaga
    Sa pang-unawa
    Sa pag-aruga
    Sa pag-gabay

    Higit sa lahat, sa pagmamahal.

    ©ailuvmie

  • ailuvmie 4w

    Walang permanente sa mundo.
    Lahat ng bagay pabago-bago
    Nakakasanayan lang o nakakagulo ng isipan

    Madalas hindi ko maintindihan
    Ano nga ba ang tinatakbo ng kamalayan?
    Ngunit sa lahat ng dumadaan sa ating buhay
    Isang bagay ang tanging kahilingan

    Sana'y sa ating dalawa
    Matagpuan ko ang kasiguraduhan

    #Filipino #Tagalog #Salita

    Read More

    Sigurado

    ©ailuvmie

  • ravenhuntress 5w

    176\nMaligayang pagbabalik sa mundo ng pagsusulat :) #mirakee #Filipino #sulatin

    Read More

    Lupon

    Naglipana na naman
    Sa mundo ng kawalan ang
    Aking pinakatatagu-tagong isipan,
    Laban sa nakagigimbal na pwersa
    Ng kasamaan,
    Ika'y aking kasama
    Sa pagwaksi ng mga emosyong
    Hindi na kaaya-aya.

    At sa gayon,
    Ika'y aking kikilalanin
    Upang magbalik muli sa pagbibigay
    Ng buhay
    Sa mga piling lupon ng salita
    Kaagapay ang imahinasyon
    Upang magkaroon muli at
    Manirahan muli
    Sa mundo ng
    Pagsusulat.

    --ravenhuntress(D.C)

  • ravenhuntress 5w

    174\n\nKaantok. Sembreak moto\n\n#mirakee #poem #back #mag-isa #Filipino #alone #Pilipino #Pilipinas #malaya

    Read More

    Mag-isa

    Hindi ko na alam.
    Wala na.
    Ayoko na.

    Nagpapaikot sa mundo,
    Nagpapaikot ng mundo
    Hindi ka sinuman sa mundo,
    Pero bakit pakiramdam ko
    Nahulog na naman ako?

    Mag-isa na naman ako.
    Nagigising sa katotohanang
    Wala ka na.

    Ang mundo ay puno ng salita
    Ngunit nawawalan na ako ng salita
    Para makabuo ng isang
    Hindi inaakalang
    Bunga ng isipan.

    Kay ganda ng bulaklak
    Sa daan,
    Kay sarap pitasin
    Ngunit paano ko yayakapin
    At isasalamin sa sarili
    Na hindi na ako makabuhay
    Ng mga lupon ng salita
    Dahil lahat,

    Lahat,

    Ay nagbago ng talaga.

    --ravenhuntress(D.C)

  • mycoeurbeat 5w

    > > >
    TAMA NA
    < < <

    Ako ay pinaasa mo
    Akala ko mahalaga ako sayo
    Yung totoo, hindi pala masyado
    Puso ko'y dinurog mo
    Nang sinabi mong kaibigan lang ako
    Oo, alam kong kasalanan ko
    Dapat pinigilan ko ang nararamdaman ko
    Dumating sa puntong natauhan ako
    Nasayang lang pala panahon ko sayo
    Dahil sa tuwing ikaw ang laman ng isip ko
    At ikaw ang itinitibok ng puso ko
    Bale wala lang pala ako sayo
    Dahil sa gabing umiiyak ako
    Ang himbing ng tulog mo
    Sa umagang pagising ko
    At puno ang unan ng mga luha ko
    Nagdesisyon na ako
    Dapat akong makalaya sayo

    ×mycoeurbeat×

  • ryan_lucero 7w

    Langit At Kanyang Mata

    Oh liwanag na langit sapagkat sa kanyang Mata mas lumiliwanag ang mga daan.
    Sa Sobrang takot ko ayaw Kong mawala siya, hawak sa kanyang kamay ang tanging paraan.
    Mahal ko na langit Salamat sa iyong gabay at lamig pina ranas mo sa akin.
    Dahil sa Kanya Nakita ko ang langit sa isang tingin.
    ©ryan_lucero

  • _mirthful 7w

    Luha

    Luhang nagsisimula na namang pumatak, saan ka papunta?
    Anong dahilan at nais mong kumawala sa mga matang pagod na?
    Maari bang siya pa din ang dahilan? Kung bakit sa mga oras na parang lumilipas lang ang lahat ay siya ang naiisip mo?
    Ganun ba talaga kasakit magmahal? Mahal mo na pero pinakawalan mo pa.
    Nais kitang mayakap dahil kailangan kita,
    Kailangan ko ang taong nagbigay ng saya sa akin.
    Ang taong pinagkakautangan ko ng malaking utang na loob.
    Sana bumalik ka na.
    Hindi ko alam.. hindi ko na alam ang bawat letrang sinusulat ko.
    Eto na at pumatak na nga ang aking mga luha,
    Luha na ako lamang din ang dahilan kung bat ka nawala.
    Anong meron sayo at hindi ako makaalis sa sitwasyong ito,
    Sitwasyong pinipilit kang balewalain sa sistema ng araw araw kong paghinga.
    Ngunit kahit anong gawin ko darating at darating pa rin ang araw na maaalala kitang muli,
    Na aalalahanin kitang muli.
    ©_mirthful

  • coffeenanj 7w

    Mahal

    Alam mo yung masakit? Yung unti unti siyang lalapit sayo at sinabing "Di na kita mahal. Ayoko na sayo."

    ©coffeenanj

  • czawina 8w

    UMUWI KA NA

    Sa bawat pagmulat ko ikaw ang katagpo
    Sa bawat pagbangon ko tinig mo'ng naririnig ko
    Sa bawat pagharap ko sa salamin nakikita kita sa aking tabi
    Sa bawat pagkain ko dasal ko'y kumain ka na rin

    Sapagkat ako'y hindi mapakali
    Paanong hindi ka napapagod
    Kung tumatakbo ka sa isip ko
    At ang tahanan mo'y puso ko

    Hindi ka man totoo
    Alam kong ika'y kapiling ko
    Ngunit bakit ang nararamdaman ko'y
    Paghihirap na walang dulo

    Ikaw itong tumatakbo
    Ngunit ako ang napapagod
    Baka dahil alam kong
    Ako lamang ang lumilingon

    Lumilingon sa nakaraan
    Kung kailan tamis ang natikman
    Hanggang sa panaho'y dumaan
    At hindi tayo lumaban

    Siguro ay dahil hindi naging tayo
    Siguro ay dahil lahat ng iyon ay ilusyon ko
    Siguro ay dahil pinaglaruan mo lang ako
    Hindi ko alam pero nagmamakaawa ako
    Lubayan mo na ako

    Kaya't bago ko ipikit ang aking mga mata
    Dasal ko'y huli na natin 'tong pagkikita
    Ngunit bakit hanggang sa pagtulog ko
    Puso't isipan ko pa rin ang inuuwian mo

    ©czawina

  • ravenhuntress 10w

    Dinggin

    Baka sakaling gusto mo akong kilalanin,
    Baka lang naman.
    Subukan mong titigan
    Yaring mga matang
    Nakatanglaw lagi sa kinabukasan,
    Mga matang kay hirap tudlain,
    Mga matang hindi madaling kalimutan
    Basta't nabasa ng hindi inaasahan.

    Kilalanin ako,
    Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa.
    Ako'y nilamon ng sistema,
    Ngunit patuloy pa ring nakikidigma.

    Aalis,
    Babalik,
    Pakiusap,
    Kilalanin ako,
    At ang sarili,
    Laban sa panlabas na anyo
    At panliliyo
    At panloloko sa sarili.

    --ravenhuntress(D.C)

  • vrodriguez_poetry 11w

    NAGBALIK NA ALA-ALA

    Akala ko nakalimutan na kita
    Akala ko ako'y naka move-on na
    Akala ko wala na talaga,
    Pero sa pag ikot ng mundo
    Tayo'y muling nagtagpo
    Nagtagpo ng biglaan
    Nagtagpo ng di napaghandaan
    Nagtagpo ng di inaasahan,
    At sa pagtatagpong iyon,
    Muli kong naalala
    Ang mga pangakong binitawan sa isat-isa
    Nung mga panahong naglaho ka bigla
    Muling nagbalik ang mga ala-ala
    Nung tayong dalawa lang
    Yung ikaw at ako at Tayo,
    Muling nagbalik ang ala-ala
    Kung gaano tayo kasaya sa panahong iyon
    Na halos di natin namalayan ang panahon
    Na umabot na pala tayo ng dalawang taon,
    Pero bigla mo nalang ibinaon
    Ang mga ala-ala at pagkakataon,
    At ngayon nagbalik ka,
    Gusto mong ipagpatuloy ang pagmamahalang tinapos ko na,
    Gusto mong tayo paring dalawa
    Gusto mong ibalik ang mga ala-alang kinalimutan ko na,
    Pero patawad, pag-aari na ako ng iba .
    ©vrodriguez_poetry

  • vrodriguez_poetry 11w

    LAPIS

    Lapis na ginagamit pansulat
    Ng mga bagay para ipamulat
    Ang katangahan sa pananatili
    Sa pahinang di pa naibuklat

    Pag nagkamali ka
    Pwede mo pang mabura
    Pero mananatili parin ang marka
    Ng mga kamaliang naisulat na

    Maaring hindi ka lapis para isulat ang kaligayahan niya
    Magiging pambura ka nalang para pawiin ang lungkot sa puso't isipan nya

    Pero paano mabura ang isang pagkakamali
    Na sa bawat araw hangad mo'y ang tamis ng kanyang ngiti
    Hanggang kailan ka mananatili
    Sa nakaraang pag-ibig na mali

    Isulat mo ang bagay na karapat-dapat
    At burahin ang ala-alang sa kanyay di sapat
    Burahin mo na, Please lang TAMA NA! ��✌
    ©vrodriguez_poetry