#tula

79 posts
  • lazyyui 4d

    Kape

    Ang pag-lalakbay tungo sa 'yong mga pangarap ay parang pag-inom ng mapait at mainit na kape. Sa una mong pagtikim, malalasap ng iyong inosenteng dila ang pait at ang hapdi na dulot ng init. Bigla-bigla mo itong ilalayo sa 'yong bibig habang ang 'yong mukha ay sandaling malulukot dahil sa animo'y dayuhan na lasa. Sanay ka kasi sa matamis. Sa iyong batang isipan, napagtanto mong ang pait at init ay hindi dapat pinagsasabay. Ngunit, bago mo ibaba ang tasa sa mesa, tiningnan mo uli ang laman nito. Itim na likido na umuusok sa malaking tasang pinagtimplahan mo. Naisip mo bigla na sayang naman ang perang pinambili mo dito. Masasayang din ang oras na ginugol mo sa paghihintay na kumulo ang tubig. Kaya kahit na hindi bukal sa 'yong kalooban, pikit-mata mong ilalapit ang umuusok na tasa sa iyong bibig. Malalasahan mo ulit ang pait. Ang hapdi. Kaya habang linulunok mo ang mapait na likidong ito, sinabi mo sa sarili mong huling tikim mo na ito. Ngunit habang binababa mo ang tasa, napansin mo ang kakaibang sensasyon sa iyong bibig. Nakita mo din na malapit ka nang mangalahati. Kahit alam mong ito'y mapait, pinilit mo uling uminom. At nang unti-unting nainitan ang 'yong sikmura, kakaiba ang gaan ng iyong pakiramdam. Yumuko ka uli at nakita mong kaunti nalang ang laman ng tasa. Sa isang lagok, naubos mo ang natitira. Sa sandaling iyon, habang nasa dila mo pa ang lasa, napagtanto mong ang pait at init ay napakagandang kombinasyon. Napagtanto mong ang pait ang nagbibigay ng kakaibang lasa dito. Naisip mo na kung hindi ito mapait, hindi ito matatawag na kape. Oo mapait ito pero hindi mo maipagkaila ang sarap na nalasahan mo.

    Habang nakapangalumbaba ka sa mesa, ang tasa sa iyong harapan, sumilay ang munting ngiti sa 'yong mga labi, naisip mong, 'Isa pa nga'.

    -y.m.

  • schizoar 2w

    Laban

    Naisip mo na bang sumuko
    Tapusin na ang lahat
    Lahat ng sakit
    Sakit na kinikimkim sa puso mo
    Ang puso mong pagod nang umasa
    Pagod nang mangarap
    Na isang araw may makakaintindi
    Makakaunawa sa'yo
    Nakakapagod na
    Gusto ko nang magpahinga
    Pahinga ka na.

    ©schizoar

  • schizoar 2w

    Broken

    Broken but hopeful
    Hopeful and willing
    Willing to try
    Try and love again.


    ©schizoar

  • schizoar 2w

    Pag-amin

    Nung sinabi ko sa'yong mahal kita
    Narinig mo ba?
    Mahal kita!
    Ayan, dinig mo na?

    ©schizoar

  • schizoar 2w

    Maling Akala

    Yung akala mo tapos na
    Na putol na ang ugnayang nabuo ninyong dalawa
    Hindi pa
    Hindi pa pala.

    ©schizoar

  • ravenhuntress 4w

    187\n\"Humor ni Bob Ong,\nSalita ni Rod Marmol,\nEmosyon ni Juan Miguel Severo,\nAt higit sa lahat,\nKalayaan ni Ricky Lee\"\n\n#mirakee #tula #Filipino #memorya

    Read More

    Amyus ment park

    Ang saya pumunta sa mga amusement park, hindi ba?
    Masaya, nakakasabik ang mga rides, nakakakilabot, nakakapanindig balahibo, at ang iba?
    Nakakahimatay sa sobrang extreme.
    Nakakaexcite lang kasi sa tuwing pumupunta ako ng amusement park,
    Inaasahan ko talaga lagi yung ferris wheel,
    Maski noong bata pa ako,
    Gustong-gusto ko na talaga ng ferris wheel.
    Hanggang ngayon pa rin naman,
    Gusto ko yung nahihilo ako sa hilo
    Pero atleast masaya ako.
    Mahilig kasi ako sa part na ako yung pinapaikot,
    Parang sa'ting dalawa, ano?

    Sa mundong ginagalawan ng amusement park,
    Ganoon ang istorya nating dalawa.

    Yung tsubibo na dati'y masaya kapag kasama kita
    Ay naging tsubobo ng nagtagal na.
    Ang horror house na noo'y takot na takot pa ako
    Na habang naglalakad ay may humahabol na nagmimistulang multo
    At ako nama'y lilingkis sayo ay
    Parang naging normal na lang nang nagtagal ang lahat.
    Ang mga multo sa horror house na sa akin ay humahabol
    Ay parang alaala nating dalawa sa isipan ko,
    Que horror.
    Ang roller coaster na kay bilis na nakakapagpatili sa akin sa saya
    Ay naging buod ng ating relasyon,
    Nakakahilo, napakabilis, at masakit sa lalamunan
    Hindi sa kakatili
    Ngunit nakakapaos
    Hindi ng dahil sa impit na boses
    Kundi sa mga inimpit na mga salita na dapat ay sinasabi sayo
    Upang gumising na tayo
    Sa kahibangang ito.

    Ang ayos ng amusement park natin ay magulo,
    Magulong-magulo na umabot sa puntong
    Napagod tayo kakalakad kung nasan ba yung exit
    Para mailabas na natin yung dapat nailabas na kanina pa lamang,
    Ang mga salitang dapat napag-usapan
    At hindi pinatatagal
    Dahil sa panandaliang kasiyahan.

    Pero maalala ko lang,
    Parang noong umpisa pa lamang ay dapat hindi na nangyari ang lahat
    Dahil wala namang may plano sa atin na mag amusement park, diba?
    Naamuse ka lang sa konseptong
    Maamuse ka sa experience mo
    Kasama ako na tatanga tanga
    Na palagiang um-oo sa bawat mong tanong
    Na kahit labag sa loob ay um-oo
    Dahil magpapasaya sayo.

    Kaya siguro panandalian lang din ito ano?
    Dahil ang relasyon natin ay pang one day access lang
    Mula sa attractions ko sayo
    Hanggang sa kahuli-hulihang minutong paghahabol ng pila dyan sa puso mo.

    Kaya rin siguro mabilis mo akong nakalimutan,
    Dahil ako yung naging panandalian mong saya
    Sa mundo ng puro lungkot,
    Isang lugar kung saan sasaya ka ng hindi nag-iisa
    Kung saan makikita mo yung halaga mo kahit ilang minuto lang.
    Natutuwa ako dahil naging masaya ka sa akin kahit konting oras lang
    Dahil guilty ako na binigay ko ang lahat lahat sayo.
    Salamat
    Kahit na ako yung
    Naging amusement park mo,
    Pamatay oras,
    Pamatay lungkot panandalian.
    Salamat
    Dahil kahit papaano
    Ikaw yung nagsalba sa akin kahit konting oras lang
    Ikaw ang kaisa-isahan kong bisita
    Na pumunta
    Sa amusement park
    Ng puso ko.

    --ravenhuntress(D.C)

  • ravenhuntress 9w

    Istilo

    T'wing nakakapunta ako sa isang handaan,
    Inaalam ko agad kung ano ang mga pagkain,
    Kung panong istilo ang pagbibigay
    Hanggang sa kung anong mga putahe
    Ang ipapapamigay nila sa katulad kong
    Bisita o bwisita.
    Oo, inaalam ko 'yang lahat
    Dahil bukod sa isa akong masugid na tagahanga ng pagkain
    At, siguro, oo, dahil matakaw din ako,
    Ay naniniwala ako na sa ganitong paraan
    Makikita mo at mararamdaman mo kung
    Anong gustong iparating ng may okasyon,
    Kung anong mas gusto nya pagdating sa pamimigay ng pagkain
    Miski bisita ka o bwisita
    Dahil naniniwala akong ang kontrol ng lahat
    Ay wala sa mismong programa ng okasyon
    Kundi sa kung paano nila ipinapamahagi ang pagkain.

    Kung ang pagkain ay ipinapamahagi sa isang maayos na paraan,
    Na may namimigay ng parteng nararapat lang sa'yo
    Ay gusto ng nag-ayos ng okasyon at ng may okasyon na maging maayos ang takbo ng karera sa pagkain.
    Lahat pantay-pantay at walang lamangan,
    Walang lalabis at walang kinulang,
    Saktong lahat ay makakakain,
    Pati kapitbahay maaaring pakainin
    Kung sumobra ang inihandang pagkain
    Dahil nakikita ang kahusayan at pagiging matatag
    Di lamang sa mismong pagkain
    Kundi sa mismong nagbibigay ng pagkain
    Dahil kontrolin man ng iba ang kanin,
    Ay hawak pa rin nila ang magpapaikot sa ating kalamnan,
    Ang mga ulam at minatamis na may Mahihiwaga't di mapapantayan na lasa.

    Kung ang putahe nama'y walang bantay,
    Inaasahan na ito ang "buffet style"
    Kung saan malaya ang bawat isang makakuha
    Ng kanya-kanyang parte ng pagkain,
    Sumobra man ay di na maaaring ibalik,
    Kinulang man ay siya mong asahan ang pagbabalik,
    Ikaw ang may hawak ng kapalaran ng plato mo,
    Mas malaya,
    Mas masaya,
    Pero maraming nasasayang
    Maaaring marami din ang hindi makakakain
    Kung kinulang sa niluto ang kusinerong
    Kanina pa nag-aatubiling makita ang programa sa labas
    O kaya nama'y magpahinga man lang kahit saglit
    Pagkatapos ng kotang lutuin sa pagkain.

    Maaaring kada plato ang bilangan.
    Nakaplato ang ulam sa bawat lamesa
    Na animo'y "ang amin ay amin at ang iyo'y iyo"
    Walang pakialam dahil kung anong meron ka
    Ay ganoon din ang akin.
    Walang lamangan,
    Iisa ang nalalasahang lasa,
    Iisang luto,
    Kaya wag ka ng makialam pa.
    Walang pakialaman,
    Ang sayo'y sa iyo lamang.

    Iilan lang ang mga ito sa mga istilo sa handaan na napuntahan ko.
    Kadalasan lang ay ganyan.
    Madalas.
    Parang ang komunidad ko.
    Madalas gusto ng kontrol.
    Karamiha'y gustong makalamang sa kapwa,
    Kadalasan nama'y hindi nakakakuha ng sapat
    Dahil lagi silang nahuhuli
    At dahil palagi ng may nauuna.
    Masaklap isipin na ang mismong kalayaang ibinigay ng ating mga ninuno
    Ay hindi na nagagamit sa magandang adhikain,
    Mas mabuti raw siguro na "ang akin ay akin at ang iyo ay iyo"
    Walang pakialaman.
    Walang paninindigan.
    Pero nasan ang pagkapilipino kung ito'y uugaliin?
    Pananatiliiin sa puso?
    Kumakatok sa utak ,
    Pinapaalis dahil walang may pakialam
    O walang pakialamanan?

    Tinatanong mo kung anong koneksyon ng dalawang iyon?
    Ng pagkain at ng huli?
    Itanong mo sa sarili mo
    Ang kaibahan ng may nagkokontrol
    At ikaw ang kumukontrol.

    Ano nga ba ang kumukontrol sa'yo?
    Ang paligid mo para "sapat lamang" ang makuha mo
    O
    Ang mga ginusto mong mangyari sa buhay mo?
    Bakit ba mahalaga ang kalayaan
    Kung di naman magagamit sa kahusayan?
    Bakit ka kailangan makontrol
    At
    Bakit mo kailangang mangontrol?
    Bakit wala kang pakialam sa karamihan?

    Ang istilo ng pagkain sa handaan
    Ay nasasalamin sa kasalukuyang lipunan.
    Subukan mong tignan
    Higit sa nakikita ng karaniwan.
    Baka sakaling makita mo lahat
    Ng sinasabi sa mga naisulat
    Sa taas.

    --ravenhuntress(D.C)

  • jjmedranotan 10w

    Marinig lang ang iyong pangalan
    saking pandinig
    kaysarap pakinggan
    na para bang kumakanta ang kalangitan
    pangalan mong nais kong ipagsagiwan
    nang marinig ng buong mundo
    kung gaano kita kagusto.

    ©jjmedranotan

  • jjmedranotan 10w

    Masaya ako tuwing bumubuhos ang ulan,
    Ngunit bakit ngayon
    ito'y aking sinasabayan
    ng luha kong hindi pa tumatahan
    kasabay ng pagdampi sa nababasa kong unan.

    ©jjmedranotan

  • jjmedranotan 10w

    Ikaw at Ako, Tayo

    Sa matang nagtitigan
    sa pagtango lang ng ulo
    sa pagkumpas ng mga kamay
    ni walang salitang binitawan
    gets kita
    gets mo ako
    utak ay nagkatugma
    puso'y naging konektado


    ©jjmedranotan

  • jjmedranotan 10w

    Byaheng Walang Ending

    Kahit san man makarating
    Basta ikaw ang kapiling
    Maligaw man sa pupuntahan
    Ito ay ayos lang.

    Kasabay ng halimuyak ng hangin
    Kasabay sa saliw ng tugtugin
    Kasabay ng magagandang tanawin
    Ito'y hindi natin palalampasin.

    Kaya halika sa piling ko
    Libutin natin ang mundo
    Hawakan mo aking kamay
    Sabay tayong maglalakbay.

    ©jjmedranotan

  • jjmedranotan 11w

    Papaanong ikaw ang naging kahulugan
    ng salitang pagmamahal noon
    na naging pighati na ngayon
    kailan ito maglalaon
    dalang dala na ko sa hampas ng alon

    ©jjmedranotan

  • jjmedranotan 11w

    Ako'y tutula
    mahabang haba
    hanggang sa mapansin
    ang may akda
    na ang bawat salita
    sayo ang patama
    na ang bawat titik
    sayo nais ipabatid
    iniibig kita
    aking sinta


    ©jjmedranotan

  • jjmedranotan 11w

    Babalik Ako

    Ako'y babalik
    pangako
    kailangan lamang ng oras
    upang mabuo
    ang pagkataong
    natupok ng apoy
    naabo
    naagnas
    nawala sa tinatahak na landas
    kaya babalik ako
    sana mahintay mo


    ©jjmedranotan

  • jjmedranotan 11w

    Ulap

    Kung gaano kabilis
    umultaw at lumubog ang araw
    kung gaano kabilis
    sumipot ang buwan
    kung gaano kabilis kumislap
    mga bituin sa kalangitan
    ganon mo ko kabilis iwan
    at kalimutan
    ngunit ako'y ulap lang naman
    na parating nandyan
    sa muli mong pagdating
    sa muling pagdampi ng sinag
    sa muli mong pagliwanag
    sa muli mong pagningning

    Dahil isa akong ulap
    palaging nag-aabang


    ©jjmedranotan

  • jjmedranotan 11w

    Mahalin Mo Kaya?

    Paano kaya
    kung maghubad sa harap mo
    hindi ng saplot
    bagkus kaluluwa ko

    nang makilala mo
    nang malinang mo
    nang mamutawi sa isip at puso
    nang iyong mapagtanto

    na ang taong ito
    wala ng maitatago
    ibinulalas na sa'yong harapan

    "Mahalin mo kaya?"

    munting tanong ng isipan.


    ©jjmedranotan

  • jjmedranotan 11w

    Ako Ay Kuntento Na

    Pag-gising sa umaga
    tititigan kita
    papanoorin mahimbing na pagtulog
    nakakamangha mong hubog

    Ang iyong paghinga
    lambot ng 'yong labi
    sa pagmulat ng mata
    wala ng masasabi

    Amoy ng iyong buhok
    ganda mong taglay
    kahit may panis na laway
    ikaw ang siyang nagbibigay buhay

    Yayakapin ka
    kamay mo'y hahawakan
    habang magkatabi sa kama
    sa munti nating tahanan

    Sa bawat dampi ng balat
    sa bawat paghilig sa balikat
    sa bawat halik sa iyong noo
    ako ay biglang nabuo

    Kaya ako'y kontento na
    salamat at ibinigay ka Niya
    kaya pakaka-ingatan ka ng lubos
    pagmamahal sayo'y ibubuhos


    ©jjmedranotan

  • jjmedranotan 11w

    Pagsasama

    Sa kabila ng lahat ng naganap,
    Sa tingin namin ito na ay sapat,
    Kaya dalawang salita lamang ang nararapat,
    at ito ay ang
    "Kami na."

    Oo, kami na!

    Sa loob ng mahabang pagtitiis,
    wala ni isang pagkakataon ang pinamintis,
    Upang kilalanin ang bawat isa,
    Nung siya'y aking isinalba
    at ako'y sinalo niya.

    Oo, kami na!
    Kami na nga talaga!

    Sobrang maligaya!
    Umaapaw ang sayang nadarama,
    walang salitang makakapagsabi,
    walang lalabas saming mga labi.

    Kundi ang kinang ng mga mata,
    Nang buksan namin ang pintuan para sa isa't isa,
    Ang init ng pagmamahalan,
    Ang lambing na ka'y sagana.

    Napakasaya!
    Kasi sa wakas, kami na!

    Na para bang hinehele ka sa alapaap,
    wala ng pasanin na kay bigat,
    punong puno na ng saya,
    na ang dating madilim,
    ngayo'y may kulay na.

    Na kung dati noon sa isang masukal na kagubatan,
    na ang tingin ng iba ay may nakakatakot na nilalang,
    Hindi nag-atubiling ito'y puntahan
    at nang makalampas,
    doon nakita ang harding puno ng rosas.

    Napakaganda!
    Nakakahalina!

    Napakagandang tingnan na sumisigaw siya sa tuwa,
    di tulad noon
    sumisigaw siya habang lumuluha.

    Na humahagalpak siya hanggang sa mamilipit ang tyan,
    di tulad noon
    namimilipit dahil nasasaktan.

    Salamat Panginoon kasi kami na.
    Wala ng mahihiling pa!

    Kundi isa nalang,
    Na kaming dalawa ay Inyong gabayan,
    Sa aming pagsasama,
    At nang sa huli masabi naming
    "Sa wakas, may forever na!"


    ©jjmedranotan

  • jjmedranotan 11w

    Pagsalo

    Sisimulan ko sa dalawang salita,
    Dalawang salitang magpapatunay
    na di ka nag-iisa
    kaya heto na,

    "Sasamahan kita."

    Kung iniisip mong mag-isa ka,
    nagkakamali ka
    Narito lamang ako
    Nasa tabi o nasa harap mo,
    Handa kang samahan sa iyong bagyo.

    Kung namamangka ka man sa dagat ng iyong kalungkutan,
    Handa akong maging layag mo at sagwan,
    Magsisilbing direksyon,
    Kung bibigyan lamang ng pagkakataon.
    Kaya huwag kang mag-alala
    dahil sasamahan kita.

    Kung sa palagay mo'y nahuhulog ka mula sa kalangitan,
    Ako ang magsisilbi mong pakpak
    Nang sa gayo'y hindi masakit ang iyong pagbagsak.
    Kaya huwag kang mag-alala
    dahil sasamahan kita.

    Ako ang mag-sisilbi mong payong,
    Sa pagbuhos ng kalungkutan ako ang magpapandong,
    O kaya naman kamay mo'y aking hahawakan,
    Tatakbo tayong nakangiti
    habang umuulan.

    Wala akong pakealam sa madilim mong nakaraan,
    Ang mahalaga sakin ay ang kasalukuyan,
    Kaya huwag kang mangamba,
    Di ka nag-iisa,
    Sasaluhin kita.

    Pighati man ay walang humpay,
    Narito lamang ako sa iyong buhay,
    Handang magbigay ng kulay
    Kung tatanggapin mo ang aking pagdamay.

    Kaya sandal ka lang sa balikat ko,
    Iiyak mo lang,
    Isigaw mo yan,
    Andito ako sa tabi mo,
    Ang iyong panyo,
    Yayakapin kita,
    Kaya sana tanggapin mo
    ang aking pagsalo.

    Ngunit kung hindi man ako pagbigyan,
    Sa akin ito ay ayos lang.
    Ayos lang kasi hinayaan mo kong makapasok sa iyong mundo,
    Magpapasalamat pa ko
    kasi di ako nabigo.

    Na kahit saglit lang nakilala kita,
    na kahit saglit lang napasaya kita,
    na kahit saglit lang pinakita mo kung sino kang talaga.

    Kaya tandaan mo
    di ka nag-iisa,
    andito ako
    Minamahal ka.
    At mamahalin pa.

    ©jjmedranotan

  • ravenhuntress 11w

    Lahat

    ...At lahat,
    Lahat ng nasa pasadong grado
    Ay tinuturing na sagrado.
    At lahat ng putol at blangko
    Ay tinuturing na Di-maginoo't
    Pinatatapon sa kawalan
    Ng atensyon
    At kulang at kinukulang sa
    Nutrisyon at enerhiya ng
    Katamtamang At di-hihigit na karunungan
    Dahil kinulang "raw" sa talino.
    Nararapat raw na maging
    Katulad ng isang lobong
    Mataas ang lipad,
    Ngunit walang lamang

    Emosyon
    At
    Talino

    Dahil nararapat kang ibato
    At ipambato sa kanyon
    Dahil ito ang reyalidad ng mundo;
    Kung saan ang panukat ay talino
    At korona mo ang iyong grado.

    --ravenhuntress(D C)