• dexcaliburfonts 15w

    LABING-ISANG DEKADA KULANG ANIM NA TAON NG PAGPAPALA!

    (Eleven Decade less six years of blessings)
    (1914-2018)
    P o e m / L i t e r a r y
    #Tulaerongtuleesydex / #DExcaliburFonts

    SIYA ang nagsabi na ito'y tutulungan
    Palalakasin -tuwina'y aalalayan!
    Pangako mismo ng MAKAPANGYARIHAN!!
    Ang DIYOS ang nagwika-mapanghahawakan!

    Iglesiang mula sa mga pulo ng dagat!
    Pagsulong nitoy patuloy sa pag akyat!
    Parada ng tagumpay -di na mabilang!
    Kaya't "nagpapasalamat" ang mga hinirang!

    Salamat po Ama ikaw ay mabuti!
    Lagi kang sa amin ang kumakandili
    Tapat ka po Oh Diyos sa iyong pangako!
    Iglesia sa tuwina ay tinutulungan mo.

    Ang buong mundo man ay naghihikahos!
    Biyaya sa Iglesia ay lubos-lubos!
    Pagpapalang di maubos ang laging gawad!
    Pag agapay mo dito ay walang makakatulad!

    Mula sa pagka aba na kalagayan!
    Nakarating na ang Iglesia sa katanyagan
    Kung nkarating na ba sa kasukdulan?
    Ama ikaw lamang ang nakakaalam!

    Iglesia ni Cristo man ay PINUKOL
    Hindi maaring ito ay masukol!
    Habang binabato ay lalo sa paglago!
    Kitang kita ng lahat ang pagsulong nito!

    Ang mga tore ng mga sambahan!
    Mga gusaling magaganda na naglalakihan!
    Kabi kabila ang mga pagtindig!
    Wala ng dito ay makadadaig!

    Ang pinalakas na pagtulong sa kapuwa!
    Mas maraming tao ang nali-LINGAP pa!
    Naapaw ang biyayang walang pagsidlan!
    Sa Iglesia'y laging gawad ng LUMALANG!

    Palibhasa ito ay ang bayan ng Diyos!
    Pagtulong Niya dito ay lubos na lubos
    Hindi nauubos ang kaniya ritong pagpapala
    Iglesia ay patuloy sa pagsulong pa!

    Pati ang mga puno at mga lider nga
    Mga pari at pastor ng ibang sekta!
    Ilan sa mga ito ang lumipat sa Iglesia!
    Pangyayaring tunay na nakamamangha!

    Ang mga "ambassador" ng ibat ibang bansa.
    Pagdalaw sa sentral ay napapadalas nga!
    Ito man ay tunay na kagilagilalas!
    Paanong hihina???...May nagpapalakas!

    Mga ektaryang lupain patuloy sa pagbili!
    Katunayan ang Iglesia ay patuloy sa paglaki!
    Mga lalaking inihahanda sa pagkaministro
    Libo ang mga bilang ang nairagdag muli rito!

    Mga pagawaing walang katapusan!
    Kahayagan ng malakas na "gawain" iyan!
    Patuloy na nagawa ang Diyos sa Iglesia!
    Nakamamanghang tunay ang pag gawa Niya!

    Purihin ka Oh Diyos Purihin ka Ama!
    Lubos lubos ang Iyong pagpapala sa Iglesia!

    #Blessed104thAnniversaryINC
    #PraisetheLord

    #IsraelFlores#JojoJamias #ArturoBairan #MichaelSandoval #ArnelTumanan #MarlexCantor #AlanKingMercado #RegaladoDelosReyes #MacleoIbasco #EliseoValle #AntonioAral #BenjieEstacio


    #GlicerioSantosJr #RadelCortez #MattPareja #Era├▒oCodera #RolandEsguerra #ErningSuratos #MaximoBularan #RodelCabrerra #BienvenidoSantiago #AngeloManalo

    #OneWithBroEVM

    ┬ędexcaliburfonts