• mimitshhh 5w

    Bakit ko mahal ang mga bituin?

    May itatanong ako, naaalala mo pa ba?
    Kasi ako oo, matalas na matalas pa
    Naalala ko nung nakuwento mo sa akin
    Yung panahon na ikay nakatingala sa bituin
    Sinabi mo sa akin na sobrang ganda ng tala
    Sabi mo pa nga sa ganda nito ikay napaluha

    Tapos heto naman ako, tawa ng tawa
    Dahil lang sa mga bituin umiyak ka?
    Nainis ka sa akin pagkatapos sinabi mo
    Pasensya ka na kung pati bituin iiyakan ko
    Naisip ko ano ba'ng gandang hatid ng langit?
    Tumigala ako, at biglang nawala ang pait

    At heto ako, pinapangarap lang naman
    Na sabay tayong manonood sa kalakawakan
    Di natin papansinin ang lamig ng hangin
    Kasi sa mga bituin ka lamang nakatingin
    Sabay ngingiti, tatawa at magkukwentuhan
    Ngunit ang bituin sa mata mo lamang ang aking tititigan

    ©mimitshhh