• mariztellaglaize 15w

    Kanina Pa

    Kanina pa ako naghahanap ng tamang kataga,
    Naghahanap ng tamang salita,
    Kung papaano kita makikita,
    Makikitang masaya sa piling ng iba.

    Kasi ang alam ko ang tunay na pagmamahal ay nasa pagpapalaya,
    Mahal kita,
    Mahal na mahal pero darating at darating ang mga sandali,
    Na hindi na tayo ang pipili,
    Pipili ng tadhana,
    Kasi sa totoo lang,
    Pinagtagpo lang tayo,
    Pero hindi itinadhana.
    Ā©mariztellaglaize