• freecx 6w

    Rundoom

    Aba!
    Nasaan ka?
    Akalain mo nga naman, buhay ka pa?
    Anong oras na?
    Kelan ka magpapahinga?
    Hay naku!, Sumuko ka na.
    Walang ng mababago,
    Hindi na magbabago.
    Habang buhay ka ng maririndi sa mga paulit ulit na ingay ng mundo.

    Nakakarindi ang katahimikan sa silid na ito. Tanging ang bilis ng tibok ng dibdib ko at hangin mula sa aking ilong ang naririnig ko.

    Nakakatakot. Nakakapangilabot.
    Nakakapanindig balahibo ang katotohanang naririto ako. Samu't saring ingay, boses at huni ang aking naririnig . Di ko mawari kung saan ito nagmumula, kung pano at anong nangyayari.

    Ano to? Bakit basang basa ang mga mata ko?
    Bakit ang bigat sa pakiramdam?

    Mali! Mali!

    Bakit wala akong maramdaman?

    Masaya ba ako?
    Malungkot ba ako?
    Galit ba ako?

    Hindi ko alam. Hindi ko na alam. 

    Isa, dalawa, tatlo , apat , lima, anim, pito, walo, siyam, sampu.........

    TAKBO!


    ©freecx