• mariztellaglaize 15w

    Nakita kita

    Nakita kita ng hindi sinasadya,
    Tadhana na kaya?
    Ang paglapitin tayo sa isa't isa?
    O isa lamang itong sakuna?

    Sakunang nakakasakit,
    Sakunang nakakasaya,
    Sakunang pagsasakripisyo,
    Sakunang minahal ko.

    Minahal kita,
    Pero sabi nila,
    Tadhana ang magdedesisyon,
    Pero para saakin,
    Ikaw at ako,
    Sinugalan ko.

    ©mariztellaglaize