• ravenhuntress 2w

    Para kay B.2

    Gaano ba kahirap na intindihin ako?
    Gaano ba kahirap na palitan ako?
    Gaano ba kahirap na balewalain ang mga hinanaing ko?
    Gaano ba?

    Eto ba yung tipo na
    Parang lumulusong ka sa dagat
    At ninanais mong arukin
    Ang kailaliman nito
    Kahit na lunod na lunod ka na
    Bago ka pa man lumusong?

    Ito ba yung tipo na
    Maglalakad ka ng maglalakad
    Mula monumento hanggang batangas sa isang araw
    Kahit na di mo alam kung anong
    Dadaanan mo?

    O

    Ito ba yung tipo na
    Hindi mo maintindihan
    Kung paano gumagalaw ang mga pulitikong nakaupo
    Ng hindi tumatayo?

    Teka.
    Open letter ko to para sayo.
    Naiintindihan kita,oo.
    Pero naiintindihan mo ba ako?
    Kaya mo bang abutin kung gaano ako kabaliw?
    Kaya mo bang intindihin
    Na umaalmusal ako ng kalungkutan,
    Nanananghalian ng letra
    Habang nalulunod sa mga numero't salita?

    Naiintindihan ko naman na pagod ka
    Pero pagod rin naman ako.
    Umintindi ka, pakiusap.
    Nananawagan ng buo,
    Ako'y malapit ng sumuko
    Sa lahat ng ito.

    --magnusethereal