• staralferez 6w

    Mundo

    Wala akong nagawa nang umalis ka sinta,
    Gusto kitang hilahin pabalik pero ito na siguro ang ating tadhana,
    At sa bawat hakbang mo palayo,
    Unti unting sumisikip ang aking puso,
    Di ako makapaniwala na ang aking ginawang mundo,
    Ay unti unti nang nagiging tao at lumalayo,
    Siguro nga mali na gawing mundo,
    Ang dapat kabiyak lang nang iyong puso,
    Dahil unti unti ka nitong dudurugin at pipirapirasuhin,
    Hanggang sa ikaw ay didikdikin,
    Nang tanong na bakit hindi sya nakuntento sa akin..
    ┬ęstaralferez