• rarejewellenn27 13w

    Sanay Na Ako

    Okay lang,
    Sanay na ako...
    Sanay na akong palaging nag-iisa
    Sanay na akong laging binabalewala
    Sanay na akong laging umaasa sa wala
    Sanay na laging ako ang takbuhan pag may problema
    Sanay na laging ako ang nagpaparaya
    Sanay na akong walang nakukuhang suporta
    Sanay na akong laging nakakatikim ng masasakit na salita
    Sanay na akong nasasabihan ng walang kuwenta
    Sanay na akong minamaliit sa mga bagay na kaya kong magawa
    Sanay na ako sa paulit-ulit na pangungutya
    Sanay na ako...
    Pero minsan kahit pala sanay ka na,
    Di mo pa rin maiwasan ang hindi masaktan at magdamdam
    Dahil di nila makita ang tunay mong halaga.

    ©rarejewellenn27