• claudeezz 23w

    "Ikaw at ako, pero hindi naging tayo"

    "Ikaw at Ako.
    pero hindi naging Tayo"

    Sa maikling panahon na
    Tayo'y nagkasama parang
    Ilang taon na kitang kilala
    Masaya ako pag kasama kita
    at laging hinahanap-hanap
    ang iyong presensya

    Gusto kong angkinin ka at matawag na pag-aari ko na
    Gusto kong masabi na sayo na
    ikaw lang talaga at wala na ngang iba
    Gusto kong iparamdam na ikaw lng ang tinitibok nito
    Gusto kong ikaw na lang at ako.

    Pinagtagpo nga tayo pero hindi itinadhana
    O di kaya nagmamadali lng tayo Kaya di pa umaayon sa atin ang tadhana?

    Makahintay ka kaya? Pagdating sa panahong pwede na
    nandyan ka pa kaya?
    Sa panahong, pwede na kitang mahalin, ako pa rin kaya?
    Sa panahong pwede ng maging tayo, mahal mo pa rin Kaya ako?
    O baka sa pagbalik ko, hindi ko na ma-ibalik pa ang dating ikaw at ako ng walang tayo.
    ©claudeezz