• rogueee 5w

    ❛ Litrato ❜

    Mapait na ngiti
    ang umukit sa aking labi
    Habang hawak ang isang litrato
    nung dating tayo

    Litrato
    Pitong letra, isang salita
    Nagbibigay ala-ala
    sa nakalipas na pagbabago

    Nakikita ko ang saya
    na umuukit sa ating labi
    Tila wala ng masabi
    Sa dating saya na naging ala-ala

    Kumusta ka na ba?
    Ilang taon na tayong di nagkita
    Miss na kita
    kaso may iba ka ng kasama

    Sana masaya ka na
    Sa pinalit mo sakin
    Sana alagaan ka niya
    Gaya ng pag-alaga mo sakin

    Sana mahalin ka niya ng buo
    gaya ng pagmamahal ko sayo
    Paalam na
    aking dating sinta.
    ©rogueee