• zelline 23w

    TAKOT

    Sa bawat patak ng aking luha,
    Sa bawat tibok ng aking puso,
    At sa bawat emosyon na tila ay di ko maintindihan,
    Tila ba'y may nais pagtaguan,
    Tila ba'y may nais na iwasan.
    Ngunit bakit sa kabila ng lahat ng ito,
    Nabalewala ang lahat dahil sa isang bagay na tila'y para bang mahika,
    Na biglang humipo sa aking puso na syang gumising sa akin ng may galak at tuwa,
    Siya pala'y ang Diyos na patuloy akong binibigyan ng tapang at lakas ng loob,
    Na siya ring dahilan kung ngayo'y nawala na ang takot,
    Na matagal ng bumalot sa aking pagkatao.
    ┬ęzelline