#filipino

1246 posts
  • pvsoliva 2d

    Mag kunwari tayong hindi nasasaktan,
    masasanay rin tayo sa pag lipas ng buwan...
    Hindi na rin ako ang unang mag paparamdam,
    Kahit kasalanan ko pa na tayo'y nag talikuran.
    ©pvsoliva

  • sherielle_31 1w

    Mga luhang pumapatak
    Hindi mapigilan
    Nanginginig na mga tuhod
    Gusto nang bumigay
    Pusong unti unting nadudurog
    Sa bawat paghakbang

    ©sherielle_31

  • sherielle_31 1w

    Sa pagkulimlim ng paligid
    Naririnig ko na naman ang iyong tinig
    Naririnig ang iyong mga tawa at nakikita ang iyong ngiti
    Ngunit ang mga ito'y napapaloob na lamang sa isang alaala
    Kahit ilang beses ko pang paulit ulitin ang pag-alala sa nakaraan,mga panahong ikaw pa'y kasama
    Parang imposible na magtuos ulit ang landas nating dalawa

    Ngunit palagi ko pa ring naiisip at tinatanong sa sarili
    Kung minsan ba'y dumaan ako sa'yong isip
    Kung hinihiling mo rin na hindi na tayo nagkalayo
    Kung hinihiling mo rin na balang araw ay muli tayong magtagpo

    Tuwing naglalakad ka sa lansangan,
    Umaasa ka bang isa ako sa mga taong iyong
    makakasalubong sa daan?
    Na isa ako sa mga makakasabay mo sa mga sasakyan?
    Dahil ako, umaasa ako
    Umaasa na kahit hindi na maibalik ang dati nating pagsasama
    Ay muli kitang makitang masaya
    Ngumingiti't tumatawa
    Na hindi na lamang sa isang imahe ng nakaraan sa'king isipan
    Hindi na lamang sa isang larawan

    #filipino#larawan#nakaraan#alaala

    Read More

    Larawan ng Nakaraan

    ©sherielle_31

  • curlytoppedruth 1w

    Ano mang pilit magpaka tibay ay mawawasak,
    Ano mang sikap magpaka tatag ay mababasag,
    Kahit anong lakas ang ibuhos para muling maging maayos,
    Mauuwi lang sa kawalan ang lahat ng pag luhod at pag luha
    Upang ang pagka buo ay muli mong makuha,
    Kung hindi mo ibibigay sa Kaniyang mga kamay ang puso mong winasak ng pag-ibig na mandaraya,
    At kung hindi mo ipagkakatiwala sa Kaniyang mga plano ang buhay mong ginulo nang mapanirang mundo

    #God #Godly #Jesus #Filipino #Pinoy

    Read More

    Winasak ng Mundo
    Binuo ni Kristo


    ©curlytoppedruth

  • morningrush 2w

    WALA

    Yung pakiramdam na hindi mo maipaliwanag.
    Walang lungkot pero puso mo ay pumapalag.
    Buo at kompleto ako sabi ng aking isip.
    Pero bakit ganoon? Walang liwanag na masilip.

    Malungkot ako, ayaw ko lang aminin.
    Matagal ng magisa, tahimik ang damdamin.
    Dapat sanay na akong magisa sa buhay.
    Pero bakit ganoon? Naghahanap pa rin ng karamay.

    Lagi kong sinasabi na iba ang aking tadhana.
    Baka ako'y nakatakdang magisang tumanda.
    Sa edad kong ito dapat ako na ay handa.
    Pero bakit ganoon? Naghihintay pa rin sa wala.

    ©morningrush

  • jewel_m 2w

    Gala

    O gala
    parang isa ka na ngayong tala
    Na dahil sa pagkulong sa bahay
    ikaw nalang ay tinitignan ng may pagkaway
    Mga kaibigang nakikita mo nalang sa selpon
    nagpaplano kung paano parin makakaipon
    Ipon para sa mga galang gusto maganap
    pero sa bulsa pera'y hinahanap
    Kaway kaway sa mga estudyanteng sa bahay ang aralin
    pagkat ang inyong mga baon ngayon nalang ay mithiin

    ©jewel_m

  • praviarts 3w

    Recently, I found this series called “The Midnight Gospel”, an adult animation series that talks about different aspects of life. It is Psychology- and Philosophy-filled series that really captivated my interest. With this reason, I started to note down my thoughts on each episode. Tried to expound my belief system and ideology, and so far, it has been a great experience for me. Here’s my initial impression regarding its 4th episode:

    This is the most relatable episode for me so far. Forgiveness, in essence, is a peace given and received by the person who desires peace. It is a gesture of recognizing our flaws as a human being and trying to be accountable for the mistakes made.

    One misconception that most people have is, they think an apology is an option to fix easily the problem. When in reality, it is not! Saying ‘sorry’ does not mean it is sort of like a ‘bandaid’ that can take away your pain and viola, you’re healed. Hell NO! Forgiveness is a way to reconnect and reconcile with the relationship being affected by the misgivings and misunderstandings committed by the involved parties. It is, in fact, a part of every corrective measure done to solve the problem. One needs to identify what causes the fault without putting much pressure on who to blame, but rather giving more impetus on how to prevent the problem from happening again — like etiology in a sense.

    “You need the help of others to achieve forgiveness.” And that is something I will agree to. This makes it easier for us to recuperate from the damages we felt from the experience, when social support is present. Because when a difficult situation is dealt solely by an individual, we tend to feel the aloneness in our journey; that makes us more vulnerable from the emotions ready to consume/engulf us to nothingness; thus putting our minds to a dark place. However, when we have the privilege/means of reaching out to people who are willing to listen to our sentiments, it is kinda relieving to know that we are being heard. It has a spirit-boosting element that comforts us on our journey of finding the peace we deserve to have.


    Another thing about forgiveness is, it does not necessarily mean that we are giving the person, who did us wrong, the permission to be back in our life. NO! Forgiveness is not a reclamation of the lost trust, but a reconciliation with the fact that the trust was, indeed, lost. We forgive the person, but never forget the negative behavior made by the same person. However, this is also not an ‘all or nothing’ phenomenon that order us to not give them the chance to give back to us. With the right reasons/intentions, we may allow them to show how truly sincere they are to us. But one question in mind is, would you give them a second chance when all they want is to redeem theirselves for the sake of getting the guilt feelings out of the emotion system? Well, that’s another story to tell.

    Again, forgiveness is an essential tool for humans to prosper and grow characteristically. There is more to learn in life than “to be obsessed over the wrong things that some people did to us.” We must allow ourselves to be free from the shackles of the past traumatic experiences, and live in the glorious moments of the here and now. To begin our journey of healing, it is suggested to find willing and capable people to support and guide us in this critical process of moving on. Knowing that there are compassionate, kind-hearted people (doesn’t matter if those are your friends, family members, or strangers) that are empathically listening to our queries and stories are very helpful and reassuring in a sense. Forgiveness puts our heart at ease in peace after an unfortunate tragedy. One must learn to let go when one is already at its limitation. Forgiveness is one of the satisfying gifts you can give to yourself, however, please remember to do it whenever you are ready.

    #thoughts #themidnightgospel #essay #filipino

    Read More

    On Forgiveness

    Forgiveness is not a reclamation of the lost trust, but a reconciliation with the fact that the trust was, indeed, lost.

    ©praviarts

  • loneerieeon 5w

    SINTA
    (YUGTO II)




    Mahal kita aking iniibig, ito ang tunay kong nadarama

    Pag-ibig na ito ay hindi krimen, ngunit ako ay iyong naging biktima

    Di ka naman mandurukot, ngunit puso ko ay buong-buo mong kinuha

    Itong pagmamahal ko ay higit pa sa libong mga aklat na may milyong mga pahina



    Malabo man ang aking mga mata, ngunit ikaw lamang ang tanging nakikita

    Malayo man sa piling mo, bakit kaya hinahanap-hanap kita?

    Marami man ang nagsasabing hindi totoo ang magpakailanman, ako ay handang pumusta

    Sa sugal ng pag-ibig, pagtaya sa iyo ay aking ikaliligaya



    Oo, natatakot akong magmahal at muling iwan

    Oo, nangangamba ako sa mga panahong ako sa iyo ay may kakulangan

    Subalit alam ko ring kahit pag-ibig natin ay may kapintasan

    Ito ay bumubuo sa patlang nating mga puso, nang sa ganoon ay muling punuin, mapunan



    Di ko man maiibibigay sa iyo ang mundo at karangyaan

    Tanging maiaalay ko lamang sa iyo ay ang walang hanggang pagmamahal at katapatan

    Balang araw sa piling ko ay halik at yakap ang iyong mararanasan

    Walang kasing tamis, kahit asukal ay hindi makakalaban



    Ito ako ngayon, gumagawa ng mga linya kahit ala-una na ng umaga

    Ito ako ngayon sumusulat upang ipahiwatig ang pagmamahal ko sa iyo aking sinta

    Kahit panulat ko ay maubusan man ng itim na tinta

    Ipagpapatuloy ko ang pagbuo ng pag-ibig na binuod sa nag-iisang tula



    Ikaw ang araw na nagbibigay liwanag sa aking umaga

    Ikaw ang bahaghari matapos ang malakas na ulan, sa akin ay nagbibigay ng pag-asa

    Nagkamali ako, hindi ka araw o bahaghari, wala sa iyong maaaring ihambing na salita

    Bagkus natatangi ka, walang kahit anong tao o bagay na sa iyo ay maikukumpara



    Sa pag-ibig, hindi ako marunong mangako

    Dahil sabi nila ang pangako ay sadyang napapako

    Narito ako, nabuhay para tuparin ang mga pangarap mo

    Na magiging isa tayo, sa hirap, sa ginhawa, ano man ang unos na dalhin nitong bagyo



    Mahal kita ng buong puso, sa pag-ibig mo hindi ako susuko

    Ipagtatanggol ko ang kastilyong ating binubuo

    Kung saan nakalagay lahat ng mga ala-ala, oo tayo'y pinagtagpo

    Tinadhana sa isa't isa, hindi tayo magkakalayo



    Isa lamang akong simpleng tao, na umibig ng higit pa sa imposible

    Daang milya ang layo mo, ngunit para bang ang lapit ng iyong imahe

    Perpekto kang kabiyak, hindi ko man mailahad ang eksaktong detalye

    Ang alam ko lang ay ikaw ang nanaisin ko, pagmamahal na pangpermanente



    Araw man o gabi, kahit na lumipas pa ang panahon, ikaw lamang mula Enero hanggang Disyembre

    Tumanda man tayo, sa tabi mo ako ay pipirmi, ideyang napakasimple

    Hanggang sa kamatayan, pangalan mo ang isisigaw ng puso ko, mapulupot man ako sa alambre

    Musika ng aking pusong tumitibok, sa iyong pag-ibig lamang nakatimbre





    ©loneerieeon

  • loneerieeon 5w

    KAIBIGAN
    (WALANG YUGTO)




    Malalim na ang gabi, sumusulat ng tula para sa taong nagpapangiti sa akin

    Nakatingin sa alapaap at mga bituin, nawa'y tuparin ang aking dalangin

    Na habambuhay maging kaibigan ka't ika'y aking yayakapin

    Kahit 'di tayo tinadhana, saya ko sa piling mo'y buo pa rin



    'Di ko masabi ang tunay kong nararamdaman aking kaibigan

    Dahil baka unawain mo na ang pagtingin ko sa'yo'y isang martir na katangahan

    Ngunit kahit ganoon, ako'y makikita sa tabi mo, oo iyon ay magpakailanman

    Sa lungkot o ligaya, may uunawa sa'yo't magmamahal, maaari mong sandalan



    Sa lahat ng nakasalamuha ko, ikaw lamang ang ninanais ng puso ko

    Dahil ikaw ang pinturang nagbigay kulay, sa bawat sandaling magkasulatan tayo

    Bawat gabi, ikaw lamang ang laman ng isip ko, marahil may gusto ako sa'yo

    Oo kaibigan mo lamang ako, pero maraming salamat sa relasyon nating ito



    May mga oras na ako'y nangangamba't tinatanong ang sarili kung hanggang kailan kaya?

    Oo, natatakot ako na maglaho ka tulad ng isang bula, yung bang nawala na lamang ng kusa

    Katulad ng biglaang paglimot sa lahat ng pinagsamahan at mga ala-ala

    Ikaw at ang mga ala-ala, dito sa loob ng puso ko'y ikukulong at 'di na papatakasin pa





    ©loneerieeon

  • loneerieeon 6w

    IROG
    (YUGTO I)




    Ang buhay ay sadyang malungkot, matamlay, puno ng lumbay

    May iibig pa kaya sa akin ng tapat at tunay?

    Yung handang tawirin ang pagiba kong tulay

    At handang magsakripsyo para sa ikakatingkad ng aming kulay



    Noong una, hindi ako naniniwala sa mga pangakong "panghabambuhay"

    Dahil alam kong iiwan din ako, totoo ngang wala akong saysay

    Puso ko ay niyurak ng kanilang mga pagpapanggap, mistulang pinatay

    Ngunit nagbago ang lahat ng makilala kita, puso ko ay pinulot mo mula sa hukay



    Putikan ngunit iyong kinuha, ginamot itong sugatan kong puso

    Binigyan mo ako ng pagkakataong muling magmahal, higit pa sa isang milyong porsiyento

    Handa akong maramdaman ang init ng labi mo, pagmamahal na taglay ng puso mo

    At pipiliin kong masunog sa nag-aalab na apoy kaysa umibig ng ibang tao



    Tatapatin kita irog ko, sinasamba ko ang buo mong pagkatao

    Mula hibla ng iyong buhok hanggang talampakan, sa akin ay nang-eengganyo

    At kahit milya man ang layo natin, narito pa rin tayo masayang nagmamahalan habang natututo

    Sa mga pagkakataong nabubuhay ako, pangalan mo lamang ang tanging isisigaw ko



    Sa tuwina, napagtatanto ko kung ano nga ba ang mangyayari sa ating kinabukasan?

    Matutupad nga ba ang mga pangako? Siguro oo, ikaw ay aking pagsisilbilhan

    Ibibigay ang bawat minuto ko at gagawa tayo ng kasaysayan

    Mamahalin kita at ibibigay ang lahat hanggang kamatayan



    Alam kong sa ating dalawa ay mayroong pag-ibig na pangmatagalan

    At kahit na takot paminsan-minsan, iniisip ko parin ang relasyon natin ng may pawang kabutihan

    At naniniwala na magiging katuwang kita sa pagtanda, mayroong matatag na pundasyon at sumpaan

    Di kita ipagpapalit, dahil sayo lamang tumitibok ang puso ko aking kasintahan



    Irog ko, ikaw ang tanging nagpapasaya sa aking pang araw-araw

    Ang malarosas mong labi at kumikinang mong ngiti ang lagi kong naiisip, oo walang kasing linaw

    Tayong dalawa sa saliw ng musika ay sabay na sumasayaw

    Hawak ang iyong mga kamay, mananatiling sa iyo, 'di ako bibitaw



    Ikaw irog ko ang araw na kumikinang sa langit na maaliwalas at bughaw

    Ikaw ang tubig na pumapawi sa mga panahong ako ay uhaw na uhaw

    Ikaw din ang mandirigmang tagapagligtas ko sa kapahamakan at biglang lilitaw

    Ngunit ang totoo, ikaw ay ikaw na nagmamahal ng lubos kasama ako hanggang sa paglubog ng araw



    Salamat irog ko, sa pagmamahal mo, tadhana ko ang ibigin ka

    Sa piling mo ako ay kuntento, at sa piling mo rin lang ako magiging maligaya

    Sa puso at isipan ko, nakakadena na ang mga salitang "mahal na mahal kita"

    Ang susi ng puso ko ay nasa iyo na, maaaring mong itago, ingatan at wag ng ibalik pa



    Simple lang akong tao na nagmamahal ng simpleng tao, irog ko ikaw ay sapat na

    Handa akong magmahal at mabuhay sa mga pangako, nangangarap para sa ating dalawa

    Hindi kita kakalimutan maging ang bawat ala-ala, hindi ito katapusan bagkus ito ay umpisa

    Sa susunod na buhay, ikaw parin ang nanaisin kong mahalin at nanaisin na makasama





    ©loneerieeon

  • jewel_m 6w

    Second line: sweetness of her smile is like a flower
    her heart cannot resist to burst out

    #filipino

    Read More

    You

    Of how the flower bloometh at spring
    you gave me a smile so true and clear
    Tamis ng ngiti parang bulaklak
    puso di mapigilang bumubusilak

    ©jewel_m

  • eunoia_ 6w

    TINATANGI

    Sa Pangwakasang Pahina ng Pag-Iisa,
    Balang araw ay matatagpuan ka,
    Sa pagkakataong ito,
    Magkasabay nang maglalakbay sa mundo,
    Balang araw, tinatangi ko.

  • praviarts 7w

    Yapak

    Naisip ko na lumayo
    Mula sa kahapong nagdaan
    Tungo sa lugar...
    .... walang paroroonan
    At kung sakaling lumingon
    Bubuhos ang ulan
    — walang kulog, may kidlat

    Baon ang sariling mga paa
    Yapak-yapak sa dungis-putikan
    Ibabaon sana ang mga alaala
    Ngunit nakalimutang magdala ng pala
    — lintik lang kung maghiganti;
    pipikit pero ‘di aamin;
    magdadalawang-isip
    kung tama ba o mali;
    sa halip, luha ang inani.

    At kung magbalik man mula sa simula
    Bakas pa rin sa bawat yapak ang burak
    — linisin mo’y mapapagod ka lang;
    linisin mo’t makaklaro ang lahat.

  • elise_elleneth 9w

    Imagine Mo Na Lang Kaya?

    Napaisip lang ako. Ang daming nagre-reklamo ukol sa quarantine. Ngunit noong nasaktan ka ng lubusan eh, ayaw mong lumabas ng bahay, ayaw mong may kumausap sa iyo, wala ka ring ganang kumain, maligo, kumilos sa kinahihigaan mo. Kung puwede nga lang ilang araw or forever na, dahil pakiramdam mo gumuho na ang iyong mundo.

    So ganito na lang. Imagine mo na lang na heartbroken ka nang sobra at bonggang-bonga. Sagad sa buto at kaluluwa ang sakit. Wala kang ganang lumabas ng kuwarto, ayaw mong kumain, ayaw mong may kausap at gusto mo lang magmukmok.

    Sa ganitong paraan, hindi mo kailangang lumabas, hindi mo kailangang kumain kaya hindi mo pro-problemahing wala kang pera at hindi ka din makagala.
    ©elise_elleneth

  • _jekyll 10w

    Kapwa ko, Mahal ko

    Maaari ba tayo gumawa ng isang samahan,
    Na parang mabuting mamamayan
    Hindi para bumukod, kundi ay magkaisa
    Magbigay aral at pagmamahal sa bawat isa

    ©_jinlee

    Gawa tayo fb page? O meron na?

  • elyon_aster 11w

    Tikom na Bibig

    Paano?
    Paano kung sinabi ko sainyo?
    Paano kung tinuro ko sainyo?
    Paano kung…
    Sinabi ko ang totoo?

    Handa ka bang maniwala?
    Iikot ba sa iyong isipan,
    Ang sampal ng katotohanan,
    Hanggang ika’y nakabaon na sa lupa?

    Paano kung sasasabihin ko sainyo,
    Na kasaysaya’y isang pantasya,
    Kasinungalingang tumakip sa diwang totoo
    Tinakpan, binaon, tinapon..
    Ng pandaraya.

    Ang mga nakasulat sa iyong libro?
    Ay tila mga buto ng lason
    Sira ang pagmamahal sa bayan
    Sira ang liderato
    Lahat! Sira!
    At paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit
    Na wari’y sirang plaka

    At isa pang tanong, sino nga ba ako?
    Ako ang dating lawin ng kabulaanan
    Pero marami na ang namatay!
    Kay rami na ng tumangis!
    At patay na ang kabayanihan!
    Anaki’y bulaklak na yinurakan sa alabok
    Isang kahihiyan! Kasiraang-puri!
    Panahon na nga ng pagbabago

    Kaya paano kung aking sinabi,
    “Mahal ko ang Pilipinas
    Hindi ako mamamatay-tao”
    Hubarin na ang maskara!
    “Mahal ko ang Pilipinas,
    Hindi ako taksil”
    Tuldkan na ang pagkukunwa!

    Ito na ba ang tunay na pag ibig??
    Kung oo, huwag na lang, pakiusap
    Hangad ko ang katotohanan
    Magpakatotoo ka, at puso ko’y mamamayapa

    Kaya paano kung sinabi ko ang totoo
    Malupit man pakinggan, ito pa rin ay totoo
    Paano kung sasabihin ko,
    Na ang ating pinakadakilang kalaban
    Ay ang ating mga sarili?
    Paano kung sinabi ko?
    Sasabihin ko na.


    ©elyon_aster

  • jpalasi 13w

    #tagalog #love #filipino
    By Jazmin Palasi

    Read More

    Uwian

    Uwian na naman,
    Lahat sila’y may kaakbay.
    Ako itong nag-iisang maglalakbay,
    Walang kahawak na kamay.

    Uwian na naman,
    Lahat sila’y may kasabay.
    Ako’y deretso na sa bahay,
    At baka mapagalitan pa ni nanay.

    Tumingin ako sa langit,
    Nagtanong ng ilang bakit.
    Tila ba’y may sumagot na boses na kay liit-liit.
    “Wag kang mainggit,
    Maghintay ka lang saglit
    At lahat ay magiging sulit.”

    Maaari bang ipikit ang mga mata tuwing uwian?
    O kaya naman sa akin ay iparamdam
    Ang matagal ko ng inaasam-asam,
    Pag-ibig na ligaw, ako’y iyong tamaan.


    j. p

  • hellorubel 14w

    Oh, God

    how beautiful are Your ways
    how amazing is Your grace;
    to You alone, the shouts of praise.



    ©hellorubel

  • hellorubel 14w



    let Your goodness be our anthem;
    Your grace be our strength
    as we wait for Your Kingdom
    until the ends of our breath.




    ©hellorubel

  • hellorubel 15w

    when there's life,
    hope thrives.


    ©hellorubel