#tagalog

706 posts
  • barbiecan 5d

    #tagalog #love #filipino
    By Jazmin Palasi

    Read More

    Uwian

    Uwian na naman,
    Lahat sila’y may kaakbay.
    Ako itong nag-iisang maglalakbay,
    Walang kahawak na kamay.

    Uwian na naman,
    Lahat sila’y may kasabay.
    Ako’y deretso na sa bahay,
    At baka mapagalitan pa ni nanay.

    Tumingin ako sa langit,
    Nagtanong ng ilang bakit.
    Tila ba’y may sumagot na boses na kay liit-liit.
    “Wag kang mainggit,
    Maghintay ka lang saglit
    At lahat ay magiging sulit.”

    Maaari bang ipikit ang mga mata tuwing uwian?
    O kaya naman sa akin ay iparamdam
    Ang matagal ko ng inaasam-asam,
    Pag-ibig na ligaw, ako’y iyong tamaan.


    j. p

  • she_losa 2w

    Busugin mo ng pagmamahal,
    Busugin pati tiyan.
    ©she_losa

  • identitea_0401 2w

    Mundo ko'y biglang nagbago
    Nang dumating ka sa buhay ko...
    ©identitea_0401

  • thefoodiepoet 3w

    "Alon"

    Nakalulunod ang mga araw na ito.
    Mga problema na tila alon ay paroo't parito.
    May sakit man, ngunit walang nakikinig sa'yo.
    Aanhin ang pagpapanggap kapalit ng sakit sa puso?
    Bigo at lumalaban,
    Ngunit hindi manalo kailanman.
    Hanggang saan kaya magpasan?
    Kailan kaya ito malalampasan?

    Gladys Cyrene Bascara Dagal
    ©thefoodiepoet

  • sherylcrispo_ 3w

    Minsan hindi ko na matandaan kung kanino ko unang natutunan---ang mga bagay-bagay na aking nalalaman

    Pero pagdating sa 'yo ay hindi malilimutan--- unang harutang sadyang aking naibigan.

    ©sherylcrispo_

  • paupau 5w

    Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
    Ilang pag kakataon na ba?
    Sa sobrang dami hindi ko na maalala pa
    Kasinungalingang nagka patong patong na
    Sa sobrang dami nakakalunod na

    Ilang ulit pa ba?
    Ilang ulit mong kailangang saktan
    Sa mga pag kakamali mong lahat tila sinasadya?
    Patawad, ang linyang pag dating sayo ay walang saysay
    Wag mo kong iwan, mga katagang sayo ay gasgas na gasgas na

    Ilang ulit pa ba?
    Ilang ulit mong balak durugin
    Ang puso ko na walang ibang ginawa kundi ang ikaw ay mahalin
    Pinilit kang intindihin
    Ibinigay ko lahat ang yong hiling
    Pero sa huli iba ang pinili mong makapiling.
    San ba ko nag kulang?
    May nagawa ba kong mali?
    Para saktan mo ng paulit ulit?

    Isa, dalawa di ko na paaabutin ng tatlo
    Ngayon alam kong handa na ko
    Talikuran ang landas patungo sayo
    Kung hindi mo kayang bigyan ng halaga
    Hindi ko na ipipilit pa
    Hahayaang pumatak ang mga luha
    Hihintayin na dumating ang araw
    Na ikaw ay isa na lang mapait na alaala.
    ©paupau

  • winnona 5w

    Minsan

    Minsan iniisip kita.
    Minsan ayokong makita ka.
    Minsan galit ako sa'yo.
    Pero mas madalas ang mahal kita.
    Pero minsan hindi ko namamalayan.
    Na may iba ka na pala.
    Minsan masakit.
    Minsan naman hindi.
    Kasi naging madalas na
    ang sakit na aking iniinda.
    Nagiging madalas na ang iyong pagkawala.
    Kaya minsan napapa isip ako.
    Kung dapat pa ba.

    ©winnona

  • darkessssssst 5w

    Multo

    Sabi ng nanay ko,
    Huwag na huwag kang maniniwala sa mga multo.
    Ito ang pinakatandaan ko
    Hanggang ngayon at nagdalaga ako.
    Sabi niya'y kathang isip lamang ang mga iyan.
    Ang utak mo'y bibilugin at papaikutin hanggang sa ikaw ay maguluhan.
    Pero ngayon aking napagtanto,
    Nakatagpo ako ng multo sa totoong mundo.
    At ang multong ito,
    Ay hindi katulad ng multong sinasabi ng nanay ko.
    Napapasaya niya ako sa mga malulungkot na gabi,
    Iniiwan niya ako nang may ngiti sa labi.
    Sa tuwing siya ay tumatabi,
    Sobrang dami niyang nasasabi.
    Ngunit pagkagising ko sa isang iglap,
    Pagbuklat ko ng aking mga talukap,
    Nawala na ang multong aking kayakap.
    ©darkessssssst

  • chickun 8w

    Pagtutugma

    Tititigan ko na lamang ang kulay ng aking buhok na tila kumukupas na,
    Habang inaalala ko kung paano ka tumawa at kung paano sumabay ang iyong mga mata,
    At sa bawat salita na aking maitutugma,
    Sa bawat pakiramdam na aking madarama —
    Ako ay isa lamang ang taong iniisip ngunit ikaw ay dalawa,
    O maaaring ako ay hindi na kilala,
    At ang laman ng puso mo’y siya na.

  • raddyredheadedgirl 8w

    Mga Dapat Bagay Na Dapat Mong Alamin Bago Ka Mapalapit Sa Akin

    1. Kinakausap kita dahil parehas nating binabasa ang series ng Harry Potter o mga pelikulang pinapanood. Parehas nating gustong panoorin ang we bare bears or kdrama series.

    2. Kaya kong gupitin ang buhok ko nang walang rason.

    3. Minsan, sinasabi ko ang salitang "mahal kita" dahil malungkot ako at kailangan ko ng kasama.

    4. Madali akong mainis sa mga maliliit na bagay gaya ng 'di tapos na akda o malamig na kape o nawawalang lapis na hinanap kung saan at napagtantong hawak ko lang pala.

    Kaya kung umalis ka, maaring bang isara mong mabuti ang pinto at patayin ang ilaw.
    Para lunurin ang sarili ko sa alak habang binubulong na wala ka, pati ang sakit - sa isip mo, winasak mo ako, pero, alam nating pareho na manhid ako.
    Kapag umalis ka siguraduhin mong huwag ka nang bumalik.

    5. Hindi ako naniniwala sa payong o dilaw na ilaw-trapiko. Huwag mo akong asahan na maghinay-hinay o magpigil dahil lang malungkot ako. Hindi ako lumuluha - tumatangis ako.
    Kapag nagmahal ako, hindi ko lang binibigay ang mundo, binibigay ko ang kalawakan.
    Kapag ako ang nasaktan, di ako umiiyak - humahagulhol ako.
    Kung para sa'yo, mababaw ang mga ganitong bagay, sa akin ganito ang nangyayari.
    Nabubuhay ako sa ipo-ipong emosyon.
    Hindi tugmang sagot sa totoong nadarama.
    Minsan nama'y kalabisan.
    Iyon siguro ang iniisip mo na labis na ang aking pinapakita.
    Hindi ako nagmamalabis.
    Pinaparamdam ko ang kaya kong ibigay.
    Kung ang hanap mo lamang ay mababaw na kaligayahan,
    patawad hindi ko maibibigay 'yan.
    Gagawin ko ang lahat para maiparanas ang iba't ibang emosyon sa iba't ibang paraan sa bawat araw na magkasama tayo.

    6. May mga pangit akong araw. Hindi ako gumigising para palitan ang mga punda o magpalit ng damit o magsuklay ng buhok. Ito iyong mga araw na hindi lang ako panget kundi nanlalamig na hindi ko kailangan ang ibang tao.
    Nawawalan ng ganang mabuhay.
    Ito iyong araw na pinapalayo kita ngunit kailangan kitang manatili at ipaalala sa 'kin na magiging maayos din ang lahat.
    Ito ang mga araw na wala akong lakas upang makahingi ng tulong.
    Ito ang mga araw na kailangan ko ang yakap mo.

    7. Kaya kong matulog kahit saan. Sa bus, silid-aklatan, kainan, sa braso mo.
    Hindi ko sinasadya. Pagod ako at ang tahanan ko ay milya-milya ang layo.

    8. Ako iyong sorbetes na vanilla ang lasa. Sino ba kasi ang may gusto no'n?

    9. Lagi akong nawawalan ng gana. Iyong palipat-lipat ako ng palabas sa telebisyon makalipas lamang ang sampung segundo. Hindi ko na gusto ang paborito kong tsokolate. Kung ako ang dagat hinding-hindi ako lilisan dalampasigan. Kaya kong titigan ang mukha mo saan man anggulo habang tulog ka. Hahalikan kita habang nagsasalita ka o tuwing tumatawa ka. Papakinggan ko ng paulit-ulit ang mga kwento mo.

    10. Kung sa tingin mo gusto mo ako, gumawa ka ng hagdan.
    Maghanap ka ng buyugan at gamitin ang hagdan para umakyat sa puno.
    Guluhin mo ang katahimikan ng mga bubuyog. Ilagay mo ang iyong kamay sa buyugan at lasapin ang nakakasakit na panunusok ng mga bubuyog dahil ang pakikipaglapit sa akin ay parang paghahanap ng pukyutan sa loob ng buyugan. Datapwat ito'y nakakasakit. Kung alam mo kung saan hawakan ito, makakakuha mo ang matamis na pukyutan.
    Pero kapag hindi...

    11. Makakarinig ka ng ilang beses na paghingi ko ng tawad.

    Patawad hindi ako ang tipong kinalabasan mo.
    Patawad hindi natin naisalba ang relasyong ito.
    Patawad, lagi akong humihingi ng tawad sa mga bagay na 'di ko mababago.
    Patawad sa mga nagawa mong kasalanan sa akin.
    Patawad dahil umiiyak ako ng 12:51 ng madaling-araw sa isang palikuran imbis na hintayin ang alas-tres ng umaga habang pinampupunas ko ang paborito mong kamiseta.
    Patawad dahil hinayaan kitang lumisan dahil naniniwala ako na may mga taong dumarating at aalis din.
    Patawad dahil isa akong basag na salamin - susugatan ko lang ang malambot mong kamay.
    Patawad dahil marami pang mga bagay na nais kong sabihin para hindi ka mapalapit sa akin.
    Patawad dahil gusto kong subukan mo.
    Kung sakali man magawa ko ito unahan ko nag humingi ng kapatawaran sayo

  • apryloveswift 8w

    To Him

    Ito ang unang tula
    Na ikaw ang paksa
    Sana'y hindi ka mag sawa
    Kahit/dahil akoy nakakasawa

    Nais ko lang sabihin
    Sana'y hindi mag bago ang iyong pagtingin
    Pati narin ang damdamin
    Kapag ang maganda'y napadaan sa iyong paningin

    Sana'y hindi ipagpalit
    Kahit ako'y kapalit palit,
    Wag mag hahanap ng kabit
    Baka ikaw ay aking isabit

  • maryanjunet 10w

    third

    Sinta,
    Ikaw na ilaw sa makulimlim na magdamag.
    Ikaw na siyang kulay sa pahina nitong buhay.

    Malamang ay hindi mo ito batid -
    ang mga nakaw na tingin,
    mga salitang binato na lamang sa hangin,
    at mga luhang dumaloy sa pagtanto na ikaw ay hindi para sakin kahit pa ako ay sa iyo.

    Nagdadalamhati man ang puso'ng sawi sa laban ba hindi pa nasisimulan -
    Sinta,
    Sana man lamang ay sa huling pagkakaton ay maparating ang nararamdaman.
    Gawa nitong akda.

    At sasabihing Sinta,
    Ika'y mahal at mahal ko ng tunay.


    ©maryanjunet

  • naaaatsuke 13w

    Naging lapis ka na ba sa buhay ng iba? #makata #tagalog #filipino #pinayinhinyera

    Read More

    Lapis.

    Ikaw ay isang lapis.
    Na minsa'y ginagamit upang magbigay buhay sa iba.
    Na minsa'y ginagamit upang mabigyang kasagutan ang mga tanong na bumabagabag sa kalooban ng iba.
    Na minsa'y ginagamit para maibahagi ang nilalaman ng puso't damdamin na hindi maipaliwanag gamit ang bibig.
    Na minsa'y ginagamit upang pambura para mawala ang sakit na nararamdaman ng iba.
    Pero alam mo ang masakit?
    Sa sobrang paggamit sa iyo.
    Sa sobrang pagmamahal at pagmamalasakit na binibigay mo.
    Unti-unti...
    Wala ng natira sa iyo.
    ©naaaatsuke

  • coffeefloat 14w

    Patawa

    iniwan ka na nya
    pero wag ka mag-alala.
    nandito pa din ako
    lagi sa likod mo.
    handang mang-asar
    natatawa sa’ yo
    ano ka ngayon?
    basag puso mo?

    babalik ka?
    kase nagkamali ka?
    sorry kuya
    di na ako tanga.
    hindi malilimutan
    sinabi mo ‘nung una
    “better” than me pala ha?
    patawa ka.

    HAHAHAHA!

    ©coffeefloat

  • olayanez 16w

    Tigil

    Sa oras na ito, ihihinto ko na ang paggawa ng mga bagay na nakakapagpaalala sa'yo, na kahit ito ay hilig ko at ginawa kong buhay, tatalikod ako. Mangmang na kung mangmang. Gusto ko lang maibsan ang sakit na dinulot mo.

    ©olayanez

  • olayanez 16w

    Mahirap Magbitiw

    "Bakit ang hirap maglet go?"

    "Ang tanungin mo bakit ang hirap ma-attached sa taong aalis at iiwan ka lang din naman."

    Kumuha ako ng dalawang maliit ng piraso ng papel at lumapit sa kanya.

    "Para saan 'yan?" tanong niya na nakataas ang kaliwang kilay.

    "Anong mangyayari kapag pinagdikit ko ang mga ito?"

    "Wala, wala namang glue."

    "Exactly!"

    "Baliw ka bes?"

    "Ganito kasi 'yan," Umupo ako sa tabi niya. "Ganito kayo nung hindi pa kayo magkakilala. Dinadaan-daanan lang at walang pakialaman. Kapag nagkatagpo at nagkahiwalay, wala lang, hindi masakit."

    "Tapos?"

    Kumuha ako ng glue saka nilagyan ang papel at idinikit sa isang papel. "Yung glue ay ang attachment na nabuo sa pagitan ninyo nung nagkakilala na kayo. Habang tumatagal mas lalong tumitibay yung attachment kaya mas lalo kayong nagdidikit sa isa't isa hanggang maging Love na. Pero sa kasamaang-palad kung kailan naging iisa na kayo at nabuo doon pa may aalis."

    "Oh?"

    "Anong mangyayari kapag pinaghiwalay ko ang dalawang papel na ito na pinagdikit ko?"

    "Siyempre mapupunit at masisira. Pinagdikit nga eh tapos paghihiwalayin din kung kailan solid na yung glue."

    "Oo, mapupunit at masisira. Pwedeng yung isa lang ang mapunit at pwede ring dalawa ang masira. Pwedeng ikaw lang ang masaktan, o siya lang ang masaktan, at pwedeng kayong dalawa ang masaktan. Simple lang naman ang punto ko. Mahirap ma-attached, mahirap maglet go, kasi alam natin kung gaano kasakit kapag humiwalay sila at iniwan tayo. Dahil sa oras na 'yan, walang kasiguraduhan na pwede pa tayong dikitan at walang kasiguraduhan na gusto pa nating dumikit dahil sirang-sira na tayo."

    ©olayanez

  • olayanez 17w

    Bakit Ikaw pa rin

    "Paulit-ulit akong nagsasabi ng 'I love you' sa'yo, paulit-ulit mo rin akong nakikita, at paulit-ulit ka ring inaasar. Pero paulit-ulit din kitang nasasaktan at napapaiyak na palaging puro 'sorry' ako at ikaw puro 'okay lang'," tumigil ka saglit sa pagsasalita habang ako tahimik lang na naghihintay ng dagdag.

    Napabuntong-hininga ka at muling nagsalita, "Hindi ka ba nagsasawa sa akin?"

    Medyo natigilan ako sa tanong mo pero nagawa kong ngumiti bilang tugon. Doon ko hinawakan ang kamay mo at iginaya sa pisngi ko.

    "Bakit mo natanong 'yan? Nagsasawa ka na ba sa'kin? Dito sa mukha ko? O nagsasawa ka na sa kakaintindi sa akin?" balik kong tanong na agad mo ring tinanggihan at alam ko ring nagsasabi ka ng totoo.

    "Natatakot lang ako..." sambit mo sa mahinang boses.

    "Hmm?"

    "Natatakot ako na baka magsawa ka at iwan mo ako."

    Binitawan kita at tumingin sa madilim na kalangitan kung saan nakapaskil ang mga bituwin.

    "Alam mo bang paulit-ulit ko ring nakikita ang mga bituwin, na mula pagkabata ko palagi silang nandyan tuwing gabi." sambit ko nang hindi tumitingin sa'yo. "Pero alam mo, kahit palagi ko silang nakikita na ultimo posisyon nila kabisado ko na nagagandahan pa rin ako sa kanila. Hindi pa rin ako nagsasawa. Alam mo kung bakit?"

    "Bakit?" tanong mo.

    "Kasi natutunan ko silang mahalin kaya kahit paulit-ulit pa 'yan hindi ako magsasawa. Mahal kita kaya bakit ako magsasawa?" Hindi ka nagsalita.

    "Baka ibig mong sabihin ay mapagod?" dagdag ko sa pabirong paraan.

    "Napapagod ka na ba?" bigla mong tanong. Nawala ang ngiti sa labi ko.

    Tumingin ako sa'yo at sumagot, "Oo."

    ©olayanez

  • olayanez 17w

    Pagitan 3

    Ang lamig.
    Oo nga.
    Katulad mo.
    Drama neto.
    Hindi kaya.
    Oo kaya.
    Ikaw bahala.
    Nagtatampo ka?
    Hindi halata?
    Bahala ka.
    Paalam na.
    Huy bakit?
    Ayoko na.
    Dahil lang—
    Nilalamig ako.
    Yakapin kita.
    Ayoko na.
    Halika rito.
    Ayoko na.
    Dito ka.
    Ayoko na.
    Tampo pa.
    Bahala ka.
    Bakit ba?
    Nagsawa ako.

    ©olayanez

  • olayanez 17w

    Pagitan 2

    Natatandaan mo?
    Ang alin?
    Nagkakilala tayo.
    Oo, natatandaan.
    First Love.
    Oo, ikaw.
    Pasensya na.
    Hmm bakit?
    Aalis ako.
    Babalik ka?
    Hindi sigurado.
    Nakakatawa naman.
    Bakit nakakatawa?
    Nagjoke ka.
    Joke? Hindi.
    Oo kaya!
    Hindi, seryoso...
    Joke 'yun!
    Bakit? Paano?
    Nagsinungaling ka.
    Ha? Hindi.
    Mahal mo'ko?
    Oo, sobra.
    Pero bakit?
    Bakit, ano?
    Hindi sigurado...

    ©olayanez

  • olayanez 17w

    Pagitan 1

    Oo, hindi?
    Ang alin?
    Ayaw na...
    Ayaw saan?
    Sa akin.
    Bakit naman?
    Ganito ako.
    Sinasabi mo?
    Malayo ako.
    Ano ngayon?
    Palaging ganito.
    Ganito ang?
    Mahal kita.
    Mahal din—
    Totoo ba?
    Patapusin mo'ko.
    Tapusin na.
    Bakit ba?
    Ayoko na.
    Ano? Bakit?
    Pagod ako.
    Sa akin?
    Hindi sayo.
    Edi saan?
    Sarili ko.

    ©olayanez