Grid View
List View
  • mengie 1d

    MAAWA KA SA KANYA

    Di ko naiwasang tumulo ang luha
    Nang marinig ko ang pakiusap niya
    Mula sa pusong puno ng pangamba
    Baka sinag ng araw di na muling makita.

    Puso niya'y puno ng kaba
    Makakapiling pa ba niya kanyang pamilya?
    O tuluyang pipikit ang mga mata
    Kasama ng mga taong pinagsilbihan niya.

    Ano pang hinintay mo't sa bahay magtago ka
    Kasama ang pamilya o kahit na mag-isa
    Kahit paano'y doon ligtas ka
    Di tulad niyang puno ng pangamba.

    Sikaping di makadagdag sa problema
    Ang manatili sa bahay ay pagtulong na
    Iyon lang ang paraan para makaiwas ka
    Sa "virus" na kaytapang talaga.

    Huwag ng magreklamo pa
    Di ka makatulong sa kanila't kaniya
    Simpleng hiling na para din naman sa iyo di ba
    'Bat parang sa iyo ikamamatay mo pa.

    Di mo ba ramdam ang takot niya?
    O wala ka talagang konsensiya
    O baka naman iyong inakala
    Sa Corona Virus di ka mahawa.

    Pagsakripisyo niya'y bigyang halaga
    Tsaka di lang siya nag-iisa
    Marami pa sa kanila
    Ang nagmalasakit para sa iba.

    Iniwan niya kanyang pamilya
    Para tumugon sa sinumpaan niya
    Kaya pakiusap, ika'y makiisa
    Nang puso niya'y mapayapa.

    Makiisa ka, makiisa ka
    Makinig tayo sa kanya
    Hiling niya'y pagbigyan mo na
    Nang matapos na lahat ng pangamba.

    Isa pang hiling sana
    Huwag kaligtaang siya'y isama
    Sa inyong dalangin kasama ang pamilya
    Sa Diyos ng poon sa Diyos ng awa.

    #SagotSaPakiusapNgFrontLiner

    #March272020
    ©mengie

  • mengie 2d

    FAIRY TALE

    Someone who believes on fairy tale can make it happen.

    #MayWard
    ©mengie

  • mengie 2d

    NEVER

    Never be ashamed to show how thankful you are to someone who has been you "safety net."

    #MayWard
    ©mengie

  • mengie 2d

    BESIDE YOU

    Have someone who stands beside you as the sun rises in the east and sets in the west.

    #MayWard
    ©mengie

  • mengie 3d

    ANG KATOTOHANAN

    Mengie, Mengie, buksan mo ang pintuan
    Tawag ng aking ina sa labas ng pintuan
    Labis akong natuwa dahil di ko inasahan
    Ang pagtawag niya sa aking pangalan.

    Ilang taon na rin ba ang nagdaan
    Mula ng ako'y kanyang nakalimutan
    Ay hindi ko na maalala kung kailan
    Basta lahat kami di na niya matandaan.

    Umuwi na lang ako sa bahay ng siya'y madatnan
    Sinabi niya sa akin sobrang lamig ng kanyang katawan
    Napamangha ako dahil lamig niya'y di ko mailarawan.
    Parang yelo na di ko maintindihan.

    Anong nangyari't bigla kang nagkaganyan?
    Di ka naman ganyan ng kita'y iniwan
    Ba't parang tuliro ka't di ka naman ganyan
    Pati pagsalita mo'y di ko na maintindihan.

    Si Lailah daw nasugatan
    Sinabi ng kanyang kaibigan
    Ito raw ay kanyang pinuntahan
    At nakitang may dugo sa noo ng magkasalubungan.

    Lailah, Lailah, Lailah
    Ang batang mahal niya't sa kanya'y iniwan
    Ikaw pala ang dahilan
    Ng kanyang kalagayan.

    Natakot daw siya ng makitaan
    Ng dugo sa noo ang batang inalagaan
    Iyon lang ang kanyang matandaan
    Bago pa siya nalimot ng tuluyan.

    Ang doktor niya'y aming pinuntahan
    Buti na lang daw nadala agad sa pagamutan
    Inatake daw siya kaya siya nagkaganyan
    Kaya di normal ang kanyang kalagayan.

    Labingpitong taon na rin pala ang nakaraan
    Kung hindi ako nagkamali sa bilangan
    Parang kailan lang pero ang iba'y walang pakialam
    Buhay pa pala ang matandang minsan silang pinagsilbihan.

    Mga apo't anak parang siya'y kinalimutan
    Kung hindi pa ako nagwala di siya mapagsilbihan
    Ng iba pang mga anak na kaylapit ng tirahan
    Pero kung makaasta parang nakatira sa kalawakan.

    Isinulat ko ito para di ko malimutan
    Hindi naging madali ang naging kalagayan
    Andaming pagsubok na dumating at dumaan
    Pero nanatili kaming nakatayo sa awa ng Diyos sa kalangitan.

    #Nov302019
    ©mengie

  • mengie 3d

    RAIN, RAIN

    Rain, rain
    Are you from Spain
    Please do explain
    So I can do a bargain.

    Rain, rain
    Are you from the top of a mountain
    Because you look like a fountain
    Falling to each plain.

    Rain, rain
    Are you in pain
    Or it's just a stain
    That I need to strain.

    Rain, rain
    Please do entertain
    And never complain
    With a floodpain.

    Rain, rain
    Pleasebe certain
    You're not a disdain
    So you can abstain.

    Rain, rain
    You come back again
    Not as our villain
    But as an ordain.

    #July252020
    ©mengie

  • mengie 1w

    TRAVEL

    It is still better to travel with someone you trust than to travel alone.

    #MayWard
    ©mengie

  • mengie 1w

    HAPPINESS

    Sometimes happiness is just next to you.

    #MayWard
    ©mengie

  • mengie 1w

    MAKING A DIFFERENCE

    Making others happy is simply making a difference.

    #MayWard
    ©mengie

  • mengie 1w

    MOTHER'S LIFE

    Mother's life is blessed and graced by God.

    #Claudia
    ©mengie