Grid View
List View
  • mikaree 117w

    Alaala ng gabi

    "Gusto kita" salita na gusto ko sabihin sayo
    gusto ko sabihin pero di ko alam sa anong paraan.
    Ang hirap, sino ba naman kase ako?
    Ni hindi ko nga alam kung naalala mo na niyaya mo ko ng sayaw.
    Pangyayari na di ko inaasahan
    Nakaupo lang ako at tulala pero malokong tadhana
    Lumapit ka sakin para isayaw ako
    Di ka naman sobrang gwapo pero ang lakas ng karisma mo
    Hindi ko alam na dun pala magsisimula na gustuhin ka
    At di ko rin alam na gustuhin ka ay dun ako masasaktan
    Di ko alam
    Di ko inalam may mahal ka pa lang iba.
    Pinapangarap ko sana ako na lang yun
    Sana ako na lang yung mahal mo
    Pero sino ba niloko ko?
    Di mo nga ko kilala
    Di ko nga alam na natatandaan mo ko
    Pero ikaw kilala ko
    Ikaw natatandaan ko
    Sa pagyaya mo na sumayaw
    Sa paghawak mo sa kamay ko
    Sa pagtanong ng pangalan ko
    Lahat bawat detalye ng pangyayari alam ko
    Pero sino ba niloko ko?
    Alam ko naman na wala lang sayo yun
    Pagkatapos nga natin sumayaw wala na
    Naalala ko pa yung araw na dahan dahan mo binitawan kamay ko para magpaalam
    Para maghanap ulit ng isasayaw mo
    Pero simula ng gabi na iyon
    Gabi na di ko aakalain
    Ay isa palang alaala na dadalhin ko
    Atlis kahit di ko masabi na gusto kita
    At walang pagkakataon para magkakilala tayo
    Mayroon naman akong alaala mula sayo.
    ©mikaree

  • mikaree 118w

    By yourgirl

    Read More

    kung sana alam ko

    kung sana una pa lang na alam ko na
    kung sana alam ko na
    hindi na sana umasa pa
    hindi na sana nagpakatanga pa
    hindi na sana nagtiis pa
    hindi na sana nasaktan pa.
    kung alam ko lang na di rin tayo sa huli
    sana di na umibig pang muli.