• lanzhan 6w

    HALINA

    Sinasambit ng gabi ang
    malumanay na harana sa
    dalampasigan na kumikinang sa ganda
    Ngunit ang kagandahan na sinasamba ng buwan at bituin ay hindi ang malasutlang alon na humahampas sa kung saan
    Kundi ang mga matang bagamat puno ng pagdadalamhati ay hindi maitatago ang liwanag sa kaibuturan
    Kung kaya't ang hangin kung minsan mas pinipiling manahimik
    Ngunit ang mga ibon ng gabi ay
    sumisipol ng pag-ibig

    ©lanzhan 10202020