• lanzhan 6w

    MAHIKA

    Pangarap kong marinig ang huni ng mga ibon sa kabundukan habang ang bukang liwayway ay dahan-dahan na bumabati sa kalikasan
    Nais kong hawakan ang hamog sa mga dahon habang ang ulap ay tila humahalik sa mga bulaklak
    Nais kong marinig ang iyak at halakhak ng batis at ilog na madalang na batiin ng mga tuyong dahon na inaanod
    Dito sa isang pahina na malayo sa talino ng tao na kay tayog higit pa sa pedestal ng mundo
    Dito sa isang libro, nagagawa ko ang mahika na hindi kayang arukin ng palalong puso..

    ©lanzhan 10222020