• chocomt 46w

    #8 Pag-ibig nga ba?

    Pag-ibig nga ba?
    'Di ko sigurado
    Ngunit ang nais lagi ay nakikita ang mga ngiti mo at ikaw mismo

    Pag-ibig nga ba?
    Ewan, siguro?
    Alam ko lamang ay gusto kong malaman
    Mahalin, bawat sulok ng iyong pagkatao

    Pag-ibig nga ba?
    Siguro, pag-ibig na nga
    Hindi ko lamang pinansin noong una

    Pag-ibig nga ba?
    Oo, pag-ibig nga
    Pag-ibig na parang pagtitig ko sa mga tala tuwing gabi
    Pag-ibig na kailanma'y 'di maaabot
    pag-ibig na 'di masabi-sabi....

    ©chocomt