• soldiermace 5w

    Please follow me on wattpad and read my books there. Thank you✨

    Read More

    Masayang Alaala

    Mabigat ang bawat mga gabi,
    Sa tuwing naalala ang lahat saatin.
    Ang mga tawa at biruan,
    Mga kulitang walang hanggan,
    At ang mga pangakong binitawan.
    Mabilis na lumipas ang mga araw,
    Kasabay ng pagbabago sa pagkakaibigan.
    Hindi distansya o oras ang may kasalanan.
    Nagdesisyon tayong tumalikod at magpatuloy na lang.
    Walang lingon-lingon sa nakaraan,
    Dire-diretso lang ang lakad.
    Ngunit sa pagkakataong ito,
    Hindi na tayo magkakahawak kamay na tatahakin ang landas na ito,
    Magkakahiwalay na tayo.
    Iba-iba ang mga landas na pinili nating lahat.
    At ang mga pangako ay hindi na sapat.
    May mga bagong tao na tayong nakilala,
    Mga taong nandyan nung kailangan natin ang isa't isa.
    Mga taong tumulong saatin na maalala ulit ang pakiramdam na maging masaya.
    At kahit gustuhin nating walang magbago,
    Meron at merong magbabago.
    Kaya't mas mabuting alalahanin na lang ang masayang alaala,
    Ngunit wag ng umasang mauulit pa.
    Sa paraan na 'yon mas magiging madali saating tanggapin ang katotohanan sa mundo,
    Kahit gaano man kasakit ito.