• jessinwords 5w

    Pero Hindi Ako

    Nasa akin ang tingin,
    nasa akin ang pansin,
    pero hindi ako ang panalangin.

    Kamay ko'y laging hawak,
    braso ko'y laging yakap,
    pero hindi ako ang hinahanap.

    Balikat ko'y laging kapit,
    bewang ko'y laging hapit,
    pero hindi ako ang nasa isip.
    ©jessinwords