• ncharmed 9w

    Bulag sa Katotohanan
    By: Charie Tadle


    Pagkakamali, labin'-isang letra'ng
    Madaling sabihin ngunit napakahirap kalimutan
    Mga humusga'y walang humpay ang pagdududa.
    Mga pagdududang naging patalim, na tagos hanggang puso at kaluluwa.

    Isa,
    Isang beses lang na pagkakamali ngunit,
    Laging nasa isipan at;
    Habang buhay na dinaramdam.

    Mga pagkakamaling
    Hirap patunayan ngunit;
    Ito'y paulit-ulit lamang na binabalik-balikan at;
    Patuloy na ang sarili'y pinaparusahan.

    Dalawa,
    Sa panahong ito ay nabibigyan ng isa pang pagkakataon. Pagkakataong maitama ang maling nagawa ngunit,
    Sa mga panahong iyon;
    Talaga nga bang naghilom ang sugat na dinulot sa taong puso ay maramot.

    Kailan ba?
    Kailan n'yo ba makikita ang mga bagay na tama.
    Mga bagay na ginawang tama para sa ikabubuti ng lahat?
    Sabagay walang katumbas ang mga tamang ginawa sa isang pagkakamali.

    Tatlo,
    Sana sa panahong ito'y tuluyan nang magparaya at kumupas ang bigti ng damdamin. Ang nararamdamang pilit kinakalasan dahil;
    Sa pusong nabalot ng galit at
    Sana ay mapatawad na, dahil tayo ay tao lamang at hindi perpekto.