• maraeyoh 22w

    TAGALOG/FILIPINO:

    Paano napunta sa ganito? Parang kahapon lang ay masaya ako kahit na may mga limitasyon tayo. Hindi ko pa inaalintana ang bawat pagdikit ng mga balat natin sa isa't isa. Hindi ko pa nadadama ito.

    Ang mga mata mong noon ay nagagawa ko pang titigan nang hindi nakakaramdam ng mga paru-paro sa aking tiyan. Hindi ko pa hinahangad noon na mayakap ka sa gabing madilim at malamig, sa ilalim ng buwan at mga bituin.

    Hanggang ngayon ay misteryo pa rin ang pag-ibig ko sa'yo. Paano dumating sa ganito? Naabutan ko nalang ang sarili kong nagnanais na makapiling ka bawat oras, bawat segundo, dito sa tabi ko. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na pinagmamasdan ka at ang bawat mga galaw mo kahit na ayaw ko ngunit gusto ng puso ko.

    Gusto ng puso, pero mali ito. Ayaw ko dahil bawal ito. Bawal ito kaya sinubukan ko na limutan ka. Lumayo ako upang maghanap ng iba...ngunit san ako dinala ng sarili ko? Sa'yo pa rin, tangina. At nakakatakot dahil pakiramdam ko ay mag-isa ako na tatahakin ang daang ito habang nakatingin sa'yo, sa likod ng bakod na nagsisilbing limitasyon natin. At may limitasyon dahil parehong dugo ang nananalaytay sa atin.


    #jonaxx #UntilTrilogy #UntilHeWasGone #Klarijah #Tagalog #Filipino #PH #Wattpad #Elijah #Klare #Montefalco #MontefalcoSeries #Azrael #Azi #Philippines

    Read More

    KLARIJAH

    until trilogy; elijah's p.o.v.

    ©maraeyoh