• zonetineta 23w

    Ika'y Pilipino

    Kaliwat- kanang telenobela't kanta,
    Halos lahat ay galing sa mga banyaga,
    Pinipilit nilang makabayan sila,
    Subalit dayuhan ang pinapantasya.

    Ika ni Rizal, kabataa'y pag-asa,
    Ngunit ngayo'y tila malabo na ata,
    Gamit sa ibang bansa raw ang maganda,
    Katutubong produkto, tila limot na.

    Ang galing bumigkas ng ibang salita,
    Sa tagalog ay bumubuhol ang dila,
    Sa ingles, mahalaga ang gramatika,
    Ngunit sa Filipino ay "bahala na".

    Ibigin ang sariling atin, ika nga,
    'Wag maging bulag, buksan ang ating mata,
    Lahi'y ipaglaban, gamitin ang pluma,
    Ika'y Pilipino! Isigaw sa madla!
    ©zonetineta