• cornea 6w

    APOY

    Ang apoy hanggat hindi ka napapaso masarap itong pag masdan, kaya nitong magbigay ng liwanag sa kadiliman, kaya nitong painitin ang nanlalamig mong pakiramdam

    Ang apoy hanggat hindi ka nasasaktan hindi ka magsasawa kahit ito ay araw araw nasa harap mo lang

    Ngunit ang apoy pag inalagaan at binantayan lumalaki, nagliliyab. maari kang masunog sa sobrang init na ibinibigay nito at mabulag sa sobrang liwanag na dala nito

    At pag ito ay nasasaktan ka na, naging masaya ka man noon pasensya ngunit kailangan mo nang lumayo at iwan siya ngayon

    oo pag iniwan ang apoy muli itong hihina at maari mo na ulit lapitan pero hindi porket ito'y humina ay hindi na ito muling liliyab at sasaktan ka, maari ka namang muling lumapit sa apoy ngunit pakiusap siguraduhin mong gwardyado ka.

    PAKIUSAP WAG MONG HAYAAN NA ANG APOY NA PUMASO SAYO NOON AY PASUIN KA ULIT NGAYON


    ©infineighty