• lanzhan 5w

    Sa pag lalakbay minsan kailangan mong mag-isa
    Sa paghahanap ng mga sagot minsan di mo dapat alamin pa
    Kung paano ang minsang pag-abot sa kamay ng iba ay di laging nandyan
    Kung paano ang pagiging buo ay Wala sa kanila

    Nasanay ka na ba sa kanila
    Na ang akala mo Wala nang bukas Kung bibitaw ka
    Na akala mo talo ka dahil batid mong mahirap ang mga araw na di mo na sila makikita

    Ang buhay ay isang paglalakbay na pasamantala
    Di mo maaarok ang bukas
    Di mo maaaring pigilan ang dapat at hawakan sa palad ang dapat ay matagal nang Malaya

    Subukan mong hayaang ang puso mo ay umiyak
    Sa pagluha ng mga tala
    Sa pagbuhos ng ulan
    Hayaan mong dalhin ng hangin
    Ang takot..ang pighati..ang pag-ibig at hinanakit sa kung saan makikita nya ang pagsilay ng araw na hahalik sa kaluluwang nakalimutan
    na paano mag-isa

    Ang pagtangis sa kabiguan ng buhay
    Ang pagsuko sa Laban
    Lahat ng mga ito ay naranasan na ng di iilan lamang
    Kung paano ang iba ay tuluyan nang sumuko
    Hahayaan mo bang sumama sa kanila
    At sa pag-iwan mo sa mundo
    Di mo na maririnig
    Ang mga labing may kasamang simpatya at pagkutya
    Di mo makikita ang paghalaklak ng mga mga matang puno ng layaw
    Silang lahat ay tatangis at kukutya sayong pag-alis
    Walang maiiwan na panghabang-buhay na luha o pagtangis
    Lahat lahat sila iiwan din ang paglalakbay na ito
    Patungo sa Kung saan ko paparoon..
    ©lanzhan