• yanneh 6w

    Kwento

    Nais mag salaysay ng kwentong ang unan lang ang naka tanto
    Sinumulan sa, sa pag layo
    Sa pag sambit na wala ng gusto
    Pag tahimik ng kwarto
    Sabay paghikbi ng pinaka maalimuot na luhang tumulo

    Ikekwento ko ang bawat hapdi
    Sa pag lisan
    Sa mga pangakong pinanghawakan
    Sa mga liham

    Naniwala ako sa salitang tiis lang
    Kahit ang lungkot ay laging bumibisita, tiis lang
    Sa bawat pagpikit ng mata ay may kabog sa dibdib, tiis lang
    Hanggang sa panaginip ay na ngungusap, tiis lang

    Iintayin ko ang huling gabing tutulo ang huling luha ng dahil sayo
    Nais ng puso ito na maging malaya sa sakit, sa lungkot at sa hapdi na dulot mo
    Iintayin kong ngumiti ulit ang mga labing ito ng totoo
    Pag susumikapan bumangon ulit

    ©yanneh