• lanzhan 5w

    LARAWANG KUPAS

    Sinasambit ng bawat pahina
    ang pait ng nilumang pagmamahal
    Pilit na nilalarawan ang mga matang
    puno ng pagsuyo
    Ang init ng palad na humahawi sa
    madilim na ulap
    Ang mga labi na maging ang hangin
    ay nais hagkan
    Dito sa lumang alaala na hindi
    napapagod sa paghihintay
    Paulit-ulit na pinipinta sa
    kaisipan na nauupos sa kalungkutan..

    ©lanzhan 10212020