• itsyani 5w

    "Pangako"

    Mahal, Naalala mo pa ba yung araw na pinagtagpo tayo ni tadhana,
    Tadhana na tila ba madaya,
    Madaya dahil nangako kang hindi mo ako iiwan,
    Pangako, Isang salita pero napakalaking epekto sa buhay at isipan ko,
    Sa di malamang dahilan ito.

    Ito nalang ang pinaghahawakan ko.
    "Di kita, sasaktan, pangako"
    "Pangako, Mamahalin kita hanggang dulo"
    Salitang nag bigay tuwa at kasiyahan sa buhay ko, Salitang napakagandang pakinggan,
    Na para bang ayaw kunang magising sa katotohanan.
    Sa katotohanan na lahat nang pangako ay isa lamang kalokohan.
    Sa katotohanan na ang pangakong aking narinig ay di mo kayang panindigan.

    Di mo kayang panindigan dahil sumuko ka,
    Sumuko kang mahalin ako, Ako na tila ba parang baliw,
    Baliw na humaharap sa salamin at tinatanong ang sarili.
    Akala ko ba hanggang dulo tayong dalawa,
    E bakit ngayon iba na iyong kasama,
    Kasama sa lahat ng bagay na dapat tayo ang gumagawa,
    Kasama sa lugar na dapat tayo ang pumupunta,
    Mahal, Meron ba akong nagawa?
    Meron ba akong pagkukulang sayo?
    Sabihin mo. Meron ba!?

    Para akong isang patay na dahon na tinatangay ng alon.
    Tinatangay ng alon palayo sayo.
    Tinatangay ng alon papunta sa lugar na totoo.
    Sa lugar na totoo kung saan ko nalaman na isa ka palang gagu,
    Gagu na hindi kayang panindigan ang salitang pangako.

    -A.yani