• itsyani 6w

    "I love you"

    Simula nung una alam ko na sakit lang ang madadama ko nito,
    Pero hinayaan ko parin ang sarili ko na samahan ka at kalimutan ang tarantadong lalaki na yun,
    Kahit alam kung di mo ako kailangan,
    Ginagawa ko parin ang lahat para mapalitan ng kasiyahan ang pout at galit na iyung naramdaman.

    Hinayaan ko ang sarili ko na tulungan ka kahit alam kung di mo ako kailangan,
    Kahit di ko makukuha ang gusto ko at inaasahan ko.
    Makikita lang kitang masaya okay na ako.
    Pinipilit ang sarili na wag mahulog sa ngiti mo,
    Pinipigilan ang puso na mahalin ka,
    Pa ulit-ulit kung hinaharap sarili ko sa salamin at sinasabi sa sarili ko kaibigan kalang,
    Hanggang jan lang kayo, At lahat ng yan nag laho
    dahil sa salitang "I LOVE YOU" na nang galing mismo sayo.
    Di mapakali, parang praning na kinikilig na kaharap ang telepono,
    Parang baliw na tinatanung ang sarili kung totoo ba or panaginip.

    Di inaasahan na ang babaeng tinutulongan kulang na maka limot,
    Ginagawa kunang mundo. Lahat ay nag bago,
    Pinaramdam mo sa akin na totoo ang lahat,
    Pinadama mo sa akin na mahalaga ako sayo, At dahil jan
    Unti-unti kung binitawan ang salitang 'kaibigan kalang'.

    At dahil jan ang pout at sakit na dati ikaw ay naka dama ngayun ay aking dinadama,
    Dinadama na para bang wala ng katapusan,
    Walang katapusan ang pag luluksa habang tinatanung ang sarili.

    Saan ba ako nag kulang?
    Saan ba ako nag kakamali?
    Ang dating parang baliw sa kasiyahan, Ngayun ay naging baliw sa sakit na iyong iniwan.
    Iniwan mo ako ng parang tanga, Tanga na umaasa na maging tayo.
    Tayo na tila bay isang panaginip lamang.
    Panaginip lang pala ang lahat at akoy binabangungut sa katotohanan,
    Katotohanan na ang salitang "I LOVE YOU" na galing sayo ay isa lang palang kasinungalingan.

    -A.yani